MAVY LEGASPI, gustong maka-loveteam si KYLINE ALCANTARA
- Published on December 23, 2020
- by @peoplesbalita
Para sa 46th birthday ni Donita Rose noong nakaraang December 5, nag-organize ito ng isang photoshoot kunsaan may glam team pa na nag-ayos ng kanyang make-up, buhok at isusuot.
Na-miss raw ni Donita ang ganitong klaseng photoshoots, lalo noong panahon na nagsisimula pa lang noong 1989 at nung maging sikat siyang VJ ng MTV Asia in 1997.
Halos lahat ng magazines noon ay cover si Donita kaya gusto lang daw niyang balikan ang mga araw na iyon.
“Wanted to do a fun shoot so I could remind myself that I still look good at 46. Of course I had veeeeery little help from @gwen_mua. She may have brushed my hair a little or maybe a little bit more but I could be wrong. She’s not allowed to say because I made her sign a NDA just to make me look super important. 😂” post ni Donita sa Instagram.
Naka-all black ensemble si Donita with matching smokey eyes.
Bumalik na pala sa US si Donita last September at mukhang for good na sila roon ng kanyang anak na si JP. Mas gusto raw ni Donita na malapit siya sa kanyang pamilya habang may COVID-19 pandemic.
“Adjusting to life here in the Bay Area. I miss everyone back home in the Philippines but then again, nothing beats being around family & being smothered with kisses all day long. 🥰 Though this pandemic has affected everyone, He can turn everything around for the good for those who love Him and are called according to His purposes. Living by faith in this new season for His protection, health and provision. Encouraging everyone to cast your burdens upon Him and He will give you rest. 🙏🏻 #bagonggising 😂”
*****
Ready na raw na subukan ni Mavy Legaspi ang gumawa ng teleserye next year.
Nauna na raw ang kanyang kambal na si Cassy na magkaroon ng teleserye na First Yaya at ka-loveteam nito si JD Domagoso.
Sey naman ni Mavy na si Kyline Alcantara ang gusto niyang maka-loveteam kung saka-sakali. Close friend daw kasi niya si Kyline.
“I’m really, really fine working with everyone pero siyempre may dagdag impact ‘yun ‘pag friend ko na talaga ‘yung ka-loveteam.
“Kyline’s like, that will never go away kasi siyempre close ko ‘yun si Kyline, eh. I know her craft very well, she’s really good.
There are so many other artists pero siyempre, homerun talaga ‘pag friend mo. And I think it will give me a nice boost kumbaga kasi siyempre, if ever magserye ako, it’s gonna be my first so I want to be as comfortable as possible,” sey ni Mavy.
Mapapanood din si Mavy sa Sarap, ‘Di Ba? at sa bagong comedy-gag-variety show na Flex.
000
Proud na pinasilip ni American Idol Season 5 runner-up Katharine McPhee ang kanyang baby bump on social media.
Glowing ang 36-year old singer-actress sa kanyang mirror selfie via Instagram habang hawak niya ang kanyang baby bump suot ang isang blue coat.
First baby nila ito ng kanyang 70-year old husband, ang composer and record producer na si David Foster. Ito naman ang ika-anim na anak ni Foster.
Kinasal sina David at Katharine sa London noong June 2019. (Ruel J. Mendoza)
-
Ping hinihingan ng P800 milyong ng partido kaya ‘nilaglag’
POSIBLENG dahil sa walang maibigay na P800 milyon na additional funding kaya umano iniwan ng partido ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez ang kandidatura ni Sen. Panfilo Lacson. Ayon kay Lacson, duda siya sa rason na ang results sa pre-election survey ang nagtulak kay Alvarez na lumipat sa kampo ni presidential aspirant at […]
-
Enrollment ngayong school year mas marami
Labis na ikinatuwa ng Department of Education (DepEd) ang mas mataas na bilang ng mga nag-enroll para sa School Year 2021-2022 kumpara noong nakaraang school year. Ayon sa DepEd, sa ngayon ay mayroon nang 26,308,875 o 100.3 percent ng mga estudyante ang nag-enroll kumpara sa 26,227,022 na nag-enroll noong nakaraang taon. […]
-
Teves dadalo sa Senate probe ng Degamo slay
DADALO “virtually” si suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie Teves Jr. sa imbestigasyon ng Senado kaugnay sa pagpaslang kay Governor Roel Degamo, ayon kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa. Si Teves ang itinuturo ng Department of Justice (DOJ) na utak at financier sa pagpatay kay Gov. Degamo batay sa mga inisyal nilang nakalap […]