• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Maximum tolerance’ tiniyak ng PNP sa paglabas ng mga bata

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na kanilang paiiralin ang “maximum tolerance” sa pagpapatupad sa panibagong protocol ng Inter Agency Task Force hinggil sa  pagpayag na lumabas na rin ang mga bata sa iilang lugar.

 

 

Inihayag ito ni PNP chief Gen. Guillermo ­Eleazar kasabay ng paa­lala sa mga magulang na kailangan pa rin bantayan ang kani-kanilang mga anak.

 

 

Ayon kay Eleazar, dahil sa pagluluwag ng regulasyon, maraming bata ang inaasahang  makikitang lalabas at pagala-gala sa lansa­ngan. Maraming bata ang  papaalalahanan at sasawayin ng mga pulis kaya kailangan ay maximum tolerance.

 

 

Sa bagong protocols, pinapayagan nang makalabas ang mga batang nasa edad 5 taon pataas subalit hindi pa rin pinapayagan sa malls. Payo ni Eleazar kailangan na magdoble ingat sa paglabas kasama ang mga bata.

 

 

Hindi dapat magpaka-kampante ang mga magulang sa paglabas ng bahay dahil nariyan pa rin ang banta ng COVID-19 at lalo pa itong bumabagsik dahil sa mga bagong variant.

 

 

Nagbabala pa ang PNP Chief sa mga magulang kung may mga paglabag sa mga panuntunan sila ang mananagot.

 

 

Ang bagong panuntunan ng IATF ay ipatutupad sa GCQ at MGCQ areas.

 

 

Hindi kasama rito ang mga lugar na nasa GCQ “with heightened restrictions,” tulad ng Laguna at Cavite.  (Gene Adsuara)

Other News
  • Matapos maglabas ng joint statement: BOY, mananahimik muna sa hiwalayang BEA at DOMINIC

    KAUGNAY sa mga bagong na pahayag nina Bea Alonzo at Dominic Roque tungkol sa hiwalayan nilang dalawa ay may malamang pahayag din si King of Talk Boy Abunda.   “There’s a time to speak up and a time to shut up.” Walang kagatol-gatol na pahayag pa ng host ng “Fast Talk with Boy Abunda” ng […]

  • Bodega ng Comelec binuksan sa publiko

    BINUKASAN na sa publiko ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang bodega sa Sta. Rosa, Laguna at ang National Printing Office (NPO) bilang tanda ng pagnanais na maging malinaw sa taumbayan ang kanilang mga paghahanda sa halalan sa Mayo 9.     Sa Sta. Rosa Comelec warehouse sa Laguna isinasagawa ang pagsasaayos ng mga SD […]

  • Pinangunahan ni PBBM: KADIWA ng Pangulo, inilunsad na sa Cebu City

    OPISYAL nang inilunsad sa pangunguna  ni Pangulong Ferdinand R. Marcos ang “KADIWA ng Pangulo” sa Cebu City na layuning maipagpatuloy ang pagbibigay ng murang bilihin sa mga mamimili.     Sa naging talumpati ng Pangulo,  sinabi  nitong naging popular ang Kadiwa ng Pasko at hinahanap aniya ito ng mga tao kaya’t minarapat nilang ipagpatuloy ang […]