• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Maximum tolerance’ tiniyak ng PNP sa paglabas ng mga bata

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na kanilang paiiralin ang “maximum tolerance” sa pagpapatupad sa panibagong protocol ng Inter Agency Task Force hinggil sa  pagpayag na lumabas na rin ang mga bata sa iilang lugar.

 

 

Inihayag ito ni PNP chief Gen. Guillermo ­Eleazar kasabay ng paa­lala sa mga magulang na kailangan pa rin bantayan ang kani-kanilang mga anak.

 

 

Ayon kay Eleazar, dahil sa pagluluwag ng regulasyon, maraming bata ang inaasahang  makikitang lalabas at pagala-gala sa lansa­ngan. Maraming bata ang  papaalalahanan at sasawayin ng mga pulis kaya kailangan ay maximum tolerance.

 

 

Sa bagong protocols, pinapayagan nang makalabas ang mga batang nasa edad 5 taon pataas subalit hindi pa rin pinapayagan sa malls. Payo ni Eleazar kailangan na magdoble ingat sa paglabas kasama ang mga bata.

 

 

Hindi dapat magpaka-kampante ang mga magulang sa paglabas ng bahay dahil nariyan pa rin ang banta ng COVID-19 at lalo pa itong bumabagsik dahil sa mga bagong variant.

 

 

Nagbabala pa ang PNP Chief sa mga magulang kung may mga paglabag sa mga panuntunan sila ang mananagot.

 

 

Ang bagong panuntunan ng IATF ay ipatutupad sa GCQ at MGCQ areas.

 

 

Hindi kasama rito ang mga lugar na nasa GCQ “with heightened restrictions,” tulad ng Laguna at Cavite.  (Gene Adsuara)

Other News
  • TONI, tinutuligsa ng netizens dahil sa vlog na in-interview si ex-Senador BONGBONG

    MARAMI ang curious kung ang ina ba ng bagong Kapuso na si Bea Alonzo ay boto kaya sa present boyfriend niya na Dominic Roque.     Masasabing marami na rin ang nag-aabang at natutuwa sa mga reaction o comment ng mommy ni Bea na si Mommy Mary Anne simula nang naipi-feature ito ni Bea sa […]

  • PNR may mga bagong train

    Dumating mula Indonesia ang mga bagong train sets ng Philippine National Railways (PNR) na siyang kahuling batch sa ilalim ng fleet modernization program ng PNR.   Natangap ng PNR ang mga bagong train sets na may 15 passenger coaches at tatlong (3) locomotives sa ilalim ng refleeting strategy.   Kumpleto na ang delivery ng lahat […]

  • Sa bagong anggulo ng dahilan ng paghihiwalay: CARLA, may pera rin sa malaking halaga na na-scam kay TOM

    TALAGANG iba rin ang naging closeness ng mga Kapuso stars na sina Ruru Madrid at Kylie Padilla na nagsimula nang maging close nang magkapareha sila sa Encantadia.     Hindi naputol ang closeness at the same time, sweetness nilang dalawa kahit matagal ng tapos ang fantaserye.     At dahil biggest break ni Ruru ang […]