May 2022 polls ‘pinaka-matagumpay- DILG
- Published on May 18, 2022
- by @peoplesbalita
ITINUTURING ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na “pinaka-matagumpay” ang katatapos lamang na national ay local elections sa bansa.
Binasura ng DILG ang pag-iingay ng iilan na nagkaroon ng electoral fraud at iba pang uri ng dayaan.
Sinabi ni DILG spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya na ang alegasyon ay hindi suportado ng “data at facts on the ground.”
“Essentially napakaganda po ng nakaraang eleksyon . I think this is one of the most successful conduct of elections in recent memory,’’ ayon kay Malaya sa isinagawang National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC) press briefing.
Aniya, ang “mapayapang halalan” ay dahil sa itinakdang reporma kabilang na ang automation ng eleksyon at sa mga dineploy na police officers.
Ani Malaya, ang tagumpay ng May polls ay sinukat hindi lamang sa aktuwal na araw ng halalan kundi maging sa ilang buwan bago pa ito nangyari.
“Kasi bago ako napunta sa DILG, I was with the Department of Education (DepEd) and during elections we were the ones deploying teachers for the elections and I think the reforms that we did since the beginning up to now, including the automation of the elections, the focused deployment of police in all areas, the use of PNP officers as BEIs (Board of Elections Inspectors) in areas where there is harassment and intimidation of regular teachers,” ani Malaya.
Tinukoy ang Comelec, sinabi ni Malaya na “less than 1,000 vote counting machines ang malfunctioned o “less than one percent” ng kabuuang inventory ng VCMs.
“Yung walang problema , [VCM]) is 99.2 percent. So there is really no debate [election results] anymore,” ayon kay Malaya.
Mayroon lamang aniyang 20 validated election-related incidents sa nakalipas na halalan, mas mababa kumpara sa katatapos lamang na national at local polls.
Sa usapin naman ng mga politiko, walang permit-to-campaign fees o anumang uri ng suporta ang ibinigay sa mga rebeldeng grupo na gumamit ng schemes para makapag-extort o mangikil ng pera.
“I hope walang nangyari na hindi natin na-monitor (mga politikong nagbigay ng suporta sa NPA) but in so far as our intelligence report is concerned, this has been been a very successful elections because as mentioned kanina it is a combination of factors. The support of the local government units (LGUs), our focused military and police operations, the retooled communist support program, this support to the barangay development program, all of these have contributed to the severely diminished capacity of the CTGs (communist terrorists groups) to collect and harass our politicians,”litaniya ni Malaya.
“But this is not just the DILG, but the entire NTF-ELCAC that vigorously reminded local officials that the goal of the task force in eradicating CTGs depends on them,” dagdag na pahayag nito. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Nagulat din na nagkaroon ng ‘unfollow issue’: JAMES, nilinaw na happy at sila pa rin ni ISSA
MALINAW na officially, sina James Reid at Issa Pressman pa rin. At si James mismo ang sumagot sa tanong namin kung happy pa rin sila ni Issa. Positibo ang sagot ni James at gets din niya agad na kung dahil daw ba do’n sa unfollow issue. Kuwento ni James, […]
-
Sara Discaya, hinamon si incumbent Pasig City Mayor Vico Sotto na pumirma ng peace covenant
HINAMON ni Sara Discaya at mga supporters nito si incumbent Pasig City Mayor Vico Sotto na pumirma ng isang peace covenant para sa isang patas at mapayapang halalan. Ayon kay Discaya, pinadala na nila ang kopya ng dokumento sa opisina ni Sotto para sa rebisyon kung meron itong nais baguhin. Nakapaloob sa […]
-
NAKA-MOTOR NA SNATCHER, TODAS
TODAS ang isang umano’y snatcher na sakay ng motorsiklo matapos tamaan ng bala makaraang aksidenteng pumutok ang baril ng pulis na kanyang tinangkang agawin sa Malabon City, Huwebes ng gabi. Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang nasawing suspek na si John Paul Sanchez, 20 ng 175 Kaingin St. M. H. Del […]