• January 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAKA-MOTOR NA SNATCHER, TODAS

TODAS ang isang umano’y snatcher na sakay ng motorsiklo matapos tamaan ng bala makaraang aksidenteng pumutok ang baril ng pulis na kanyang tinangkang agawin sa Malabon City, Huwebes ng gabi.

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang nasawing suspek na si John Paul Sanchez, 20 ng 175 Kaingin St. M. H. Del Pilar, Brgy. Tinajeros.

 

Sa imbestigasyon ni PSSg Jose Romeo Germinal II, ala-10:25 ng gabi, minamaneho ni PSSg Leo Lubiano, 41, nakatalaga sa Malabon Police Sub-Station 2 sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Andres Victoriano patungo sa Brgy. Tinajeros nang hingan siya ng tulong ni Rossana Santos, 37 ng Katarungan St. Brgy. Muzon makaraang hablutan ng gamit ng suspek.

 

Dahil dito, hinabol ng pulis ang suspek na sakay ng isang motorsiklo hanggang sa magawa nitong maabutan sa kahabaan ng M. H Del Pilar, Brgy. Tinajeros at mabawi ang inagaw na gamit.

 

Gayunpaman, habang inaaresto ay bigla na lamang sinunggaban ng suspek ang service firearm ng pulis na naging dahilann upang magpambuno ang mga ito hanggang sa aksidenteng pumutok ang baril at tinamaan sa katawan si Sanchez.

 

Matapos ang insidente, mabilis na isinugod ng pulis ang suspek sa Ospital ng Malabon subalit, hindi na ito umabot ng buhay habang narekober ng mga tauhan ng SOCO na rumesponde sa crime scene ang isang coin purse na naglalaman ng tatlong plastic sachets ng hinihinalang shabu mula sa gate away motorsiklo ng suspek. (Richard Mesa)

Other News
  • Housing unit, ipinagkaloob ng Valenzuela sa isang PWD Family

    MISYON ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela na magbigay ng inklusibong serbisyo para sa lahat, kaya naman pinangunahan ni Mayor WES Gatchalian, sa pakikipag-ugnayan ng City Social Service and Development Office (CSWDO) at Housing and Resettlement Office (HRO) ang pagbibigay ng isang fully-furnished na housing unit sa isang PWD family sa Disiplina Village, Brgy. Ugong.   […]

  • Lacuna nagpasalamat sa ayuda ni PBBM, DHSUD sa mga nasunugan

    NAGPASALAMAT si Manila Mayor Honey Lacuna kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at department of human settlements and urban development (DHSUD) head, Secretary Jerry Acuzar, sa pagkakaloob ng kanyang kahilingan na matulungan ang libu-libong pamilyang nawalan ng tirahan sa sunog sa Tondo.   Ani Lacuna sa mga pamilyang nasunugan, si Pang. Bongbong Marcos at Sec. […]

  • Conor McGregor planong lumaban muli sa UFC

    PLANO ni dating two-division UFC world champion Conor McGregor na muling sa lumaban sa octagon.     Ito ang kinumpirma ni UFC President Dana White kung saan maaaring gawin ito sa huling bahagi ng taon o sa susunod na taon.     Dagdag pa ni White na inalok ang Irish fighter ng pelikula subalit mas […]