‘May batas po’: Maynila walang kukunsintihin sa smuggled COVID-19 vaccine use
- Published on January 7, 2021
- by @peoplesbalita
Kahit kaliwa’t kanan na ang mga matataas na opisyal ng gobyernong ipinagtatanggol ang paggamit ng hindi rehistradong mga bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19), nanindigan ang pamahalaang lungsod ng Maynila kinakailangan ang otorisasyon ng Food and Drug Administration (FDA) bago ito iturok ninuman.
“Bawal na bawal yan. Walang presidente, walang mayor, walang senador na magsasabing [okey lang kahit na walang FDA approval]. Hindi po, may batas po,” ani Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, Lunes.
“Kaya yang mga tolongges na yan pati ilang senador na nagsasabi na hindi kailangan ng FDA, eh kailangan po, huwag natin hikayatin yung mga ilegal.”
Ito ang sinabi ni Domagoso matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na naibigay na ang bakuna ng Sinopharm, isang ‘di rehistradong gamot, sa ilang sundalo. Lumabas na ring ginamit na ito maging sa mga kawani ng Presidential Secrutiy Group (PSG).
May miyembro din ng Gabinete na nabakunahan, ayon kay Interior Secretary Eduardo Año. Hindi naman niya pinangalanan ang opisyal na nabakunahan ng hindi pa aprubado na bakuna.
Ang palasyo ng Malacañang, kung saan naroroon ang tanggapan ng presidente, ay nasa loob ng Lungsod ng Maynila.
Ika-28 ng Disyembre lang nang sabihin ni presidential spokesperson Harry Roque na “walang iligal” sa paggamit ng mga naturang bakuna, lalo na’t ang ipinagbabawal ng batas ay ang pagbebenta at pagpapamahagi nito. Iligal pa rin ang pagpapasok nito sa bansa, ayon sa Republic Act 9711, o FDA Act of 2009.
“Ang ipinagbabawal ay benta. Wala pong bumili ng mga bakuna na naturok sa ating kasundaluhan. Hindi po ipinagbabawal ang pagturok maski hindi pa rehistrado, ‘wag lang ibenta, ‘wag i-distribute. Basahin po natin ang FDA law,” ani Roque, na isang abugado.
Nakuha pang pagpugayan ni chief presidential legal counsil Salvador Panelo ang mga miyembro ng PSG na nauna nang magpaturok ng COVID-19 vaccines kahit ‘di rehistrado at ipinuslit lang sa Pilipinas, sa dahilang ginawa raw nila ito para protektahan si Duterte.
“The Presidential Security Group’s action, aside from being legally valid, is consistent with — and pursuant to — its duty of securing the life of the president at all cost,” ani Panelo.
“Instead of being criticized, these sentinels of the President should be commended for putting their lives on the line.” (Gene Adsuara)
-
PBBM, titintahan ang 3 kasunduan sa kanyang pagbisita sa Australia
SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tatlong kasunduan na naglalayong palakasin ang relasyon ng Pilipinas at Australia ang nakatakdang tintahan sa kanyang pagbisita sa Australian capital Canberra. “I anticipate an enhancement of the mutual understanding between the Philippines and Australia as we share a common vision not just for our bilateral […]
-
Hindi muna mag-ama kapag nasa taping: ZOREN, balik są pagdi-direk para sa anak na si CASSY
BUMALIK sa pagdidirek sa TV si Zoren Legaspi para sa anak na si Cassy Legaspi. Dinirek ng aktor ang rom-com episode ng Regal Studio Presents “Fishing for Love” kunsaan kasama ni Cassy ang Sparkada na si Michael Sager. Naging direktor noon si Zoren sa ilang shows ng GMA tulad […]
-
MGA KABATAAN SA ILALIM NG A3 PEDIATRIC CATEGORY DAPAT IPAREHISTRO PARA MABAKUNAHAN KONTRA COVID-19
HINIHIMOK ng Quezon City government ang mga magulang ng mga kabataang may comorbidities na iparehistro na ang kanilang mga anak sa QCVaxEasy upang magka-schedule sa kanilang bakuna laban sa COVID-19 Sa ngayon ay ilang buwang nakasentro ang lokal na pamahalaan sa pagbabakuna sa may 80 porsyento ng adult population o may 1.7 milyong katao […]