• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

May book signing and tour sa ibang bansa: PIA, pinasilip na ang magiging book cover ng upcoming novel

PINASILIP ni Pia Wurtzbach ang magiging book cover ng kanyang upcoming novel na may titulong ‘Queen of the Universe: A Novel: Love, Truth, Beauty.’

 

 

Sa kanyang Instagram account, nag-share si Miss Universe 2015 ng photos na hawak niya ang kanyang libro na may pink cover at white silhouette ng isang babae.

 

 

“Here’s my book cover and I can’t wait for you to meet Cleo, the main character in my book,” sey ni Queen Pia na magiging available ang book sa Pilipinas sa September. Ngayon ay available na ito for preorder via Amazon.

 

 

Inaayos na rin ni Pia ang kanyang magiging schedule kapag na-launch na ang libro niya next month.

 

 

Magkakaroon din siya ng book signing at book tour sa ibang bansa.

 

 

Ang ibang celebrities na nag-publish ng sarili nilang libro tulad ni Pia ay sina Heart Evangelista, Alden Richards, Mark Bautista, Maine Mendoza and Michael V.

 

 

***

 

 

GRATEFUL ang Filipino-American rapper na si Ez Mil matapos ang collaboration nila ng idolo niyang si Eminem para sa bago niyang track na “Realest.”

 

 

Surreal nga raw ang feeling na natupad ang dream niyang naka-collab si Eminem.

 

 

Sa kantang “Realest,” ibinahagi ni Ez Mil ang tungkol sa pagsisimula ng kaniyang career at mga tagumpay sa hinaharap, habang nagbitaw naman si Eminem ng isang powerful verse tungkol sa pagbangon mula sa mga kritisismo at ang pagpapatuloy bilang isang artist.

 

 

Sinabi ni Ez Mil na malaki ang kanyang pasasalamat sa oportunidad, at honored siyang maka-collab ang Grammy and Oscar-winning American rapper.

 

 

Hiling ni Ez Mil na masilayan pa sana ng buong mundo ang galing ng musikang Pinoy.

 

 

“Keep going. Ipagpatuloy mo lang. Huwag mong susukuan ang pangarap mo, kaya mo ‘yan, kaya natin ‘to,” sabi ni Ez Mil.

 

 

Si Ez Mil, na si Ezekiel Miller sa tunay na buhay, ay ipinanganak sa Olongapo pero nakabase na siya ngayon sa Las Vegas, Nevada.

 

 

***

 

 

KABILANG na ang Hollywood film na ‘Barbie’ sa billion-dollar club!

 

 

Nalagpasan ng pinik-coated fantasy comedy ni Greta Gerwig ang $1 billion mark sa global box office. Barbie has earned about $1.03 billion worldwide as of Sunday, according to Box Office Mojo.

 

 

Nag-gross naman ito ng $459 million in North America. Si Gerwig ang first-ever solo female filmmaker with a billion-dollar film.

 

 

Tatlong billion-dollar blockbusters naman ang co-directed by women: Frozen ($1.3 billion) and Frozen 2 ($1.45 billion) both co-directed by Jennifer Lee and Chris Buck. Captain Marvel ($1.1 billion), co-directed by Anna Boden and Ryan Fleck.

 

 

Narating ng Barbie ang billion-dollar mark in just 17 days, becoming the fastest Warner Bros. release (and eighth in the studio’s 100-year history) to join the $1 billion club. Ang may hawak ng record na ito ay ang pelikulang Harry Potter and the Deathly Hallows: Part 2 na may record na 19 days.

 

 

Ang Barbie ang second blockbuster this year and the sixth of the pandemic-era to cross $1 billion, following Spider-Man: No Way Home, Top Gun: Maverick, Jurassic World Dominion and Avatar: The Way of Water.

 

 

Barbie has remained No. 1 at the box office for three consecutive weekends kalaban ang mga pelikulang Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem, Meg 2: The Trench and Oppenheimer.

 

 

Barbie is now the second-highest grossing movie of 2023, behind Universal and Illumination’s The Super Mario Bros. Movie, which earned $574 million domestically and $1.35 billion worldwide.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • 15 PASAHERO, 3 CREW, NAILIGTAS NG COAST GUARD

    LABIN-LIMANG pasahero at tatlong crew members ang nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) Surigao del Norte sa katubigan ng Socorro  Surigao del Norte matapos mabali ang propeller shaft ng motorbanca na MBCA RETREAT 1.       Sa inisyal na ulat mula sa coast guard Surigao del Norte sa PCG headquarters, nawalan ng rudder  ang […]

  • Facebook followers ni GABBI, pumalo na sa higit 12 million; proud ang fans sa bagong milestone

    MARAMI ang nagulat nang bigla na lang nawala ang laman ng Instagram account ng Kapuso actor na si Ruru Madrid.     Ayon naman pala, magkakaroon ito ng isang transformation. At dito rin pinakita ni Ruru ang kanyang leaner physique.     Ang transformation ni Ruru ay kasama sa paghahanda niya sa upcoming Kapuso primetime […]

  • Pangamba ng publiko, pinawi ni PBBM

    PINAWI ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. ang pangamba ng publiko hinggil sa monkeypox virus matapos mapaulat noong nakaraang linggo na may naitala ng kaso sa Pilipinas.     Ayon kay Pangulong Marcos sa isinagawang Q And A matapos magtalumpati sa Pinas Lakas event” sa Pasig Sports Complex para tingnan kung maganda at mahusay ang isinasagawang […]