• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

May global auditions sa next ‘Karate Kid’: Ralph Macchio at Jackie Chan, magsasama sa bagong version

MAGSASAMA sa bagong version ng ‘Karate Kid’ sina Ralph Macchio at Jackie Chan.

 

 

 

Si Ralph ang gumanap bilang si Daniel LaRusso sa original ‘Karate Kid’ film noong 1984. Nakasama niya sa film ay si Pat Morita na gumanap na Mr. Miyagi. Pumanaw si Morita noong 2005.

 

 

 

Sa remake ng The Karate Kid noong 2010, si Jackie Chan ang gumanap na bagong trainer na si Mr. Han. Ang tinuruan niya ay ang bata pa lang noon na si Jaden Smith (na anak ni Will Smith).

 

 

 

“Hi everyone, we’ve got big news,” sabi ni Jackie sa isang video announcement.

 

 

 

“We’re starring in a new ‘Karate Kid’ movie together,” dagdag naman ni Ralph na kasama si Jackie.

 

 

 

Naghahanap din sila ng susunod na Karate Kid at magkakaroon ng global auditions.

 

 

 

“The global search for the star of our new film starts right now. So let’s wax on, wax off, everybody,” ayon kay Ralph na patungkol sa iconic line ni Mr. Miyagi mula sa 1984 movie.

 

 

 

Isiningit naman ni Jackie ang kaniyang linya noong 2010: “You mean, jacket on, jacket off, hang it up?”

 

 

 

Ayon kay Ralph, “Maybe the new Karate Kid will have to do it all.”

 

 

 

Batay sa casting guidelines sa KarateKidCasting.com, hinahanap nila ang aktor na gaganap bilang Chinese o mixed-race Chinese na nasa edad 15 hanggang 17.

 

 

 

Dapat na mahusay sa Ingles, at magiging plus factor ang marunong ng Mandarin. Mas maganda rin kung marunong ng martial arts, movement, gymnastics, at dance.

 

 

 

Shooting will start March hanggang June 2024.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • WATCH THE BIG REVEALS IN THE TRAILER OF “SPIDER-MAN: NO WAY HOME”

    WE started getting visitors… from every universe. Watch the new trailer for Columbia Pictures’ action-adventure Spider-Man: No Way Home, coming exclusively to Philippine cinemas January 08, 2022.   YouTube: https://youtu.be/bSo7ypG9IVQ   About Spider-Man: No Way Home   For the first time in the cinematic history of Spider-Man, our friendly neighborhood hero’s identity is revealed, bringing his superhero responsibilities into […]

  • Mahigit 70-M na national ID naipamahagi na ng PSA

    MAHIGIT  70 milyon na mga Philippine Identification System ID (PhiID) at ePhilID ang naipamigay na sa mga rehistradong mamamayan.     Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) na ang bilang ay hanggang Hunyo 16 na may kabuuang 70,271,330.     Sa nasabing bilang aniya ay nasa mahigit 33 milyon dito ang nabigyan na ng card […]

  • Higit 2.4 milyon pasahero dadagsa sa PITX sa Undas

    NAGHAHANDA na ang pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa inaasahang higit sa 2.4 milyong pasahero na dadagsa sa terminal simula sa Oktubre 21 hanggang Nobyembre 5, kaugnay sa paggunita sa All Saints Day at All Souls Day.     Pinakamaraming pasahero ang inaasahan sa mga petsang Oktubre 30 at 31 sa aabot sa […]