May karagdagang 400k na donasyong bakuna ang China
- Published on March 6, 2021
- by @peoplesbalita
INANUNSYO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may karagdagang 400,000 doses ng bakuna na donasyon ang matatanggap ng Pilipinas mula sa China
Sa idinaos na Inauguration of School Buildings sa Canumay East National High School at Lawang Bato National High School sa Lawang Bato National HighSchool,Valenzuela City ay nabanggit ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati na may karagdagang 400,000 na donasyong bakuna ang China sa Pilipinas para mabuo ag isang milyong donasyon na bakuna nito sa bansa.
“And, then another China would give us another 400 making their donation to this country 1 million,” ayon sa Pangulo.
Ang darating aniya na bakunang AstraZeneca ay donasyon naman aniya ng World Health Organization.
“It is the answer to their call that rich nation must also fund the poor nation because no one is safe until everybody is safe,” aniya pa rin.
” After this, I’ve been to the other site I have to fly to Villamore because the AstraZeneca, about 478,000 darating. For those of you, wala ito sa speech ko, who would opt to take that vaccine, fine with me. Wala sa akin yan. Others might prefer other brands. The doctors are very discriminating,, they are waiting for Pfizer. Ang akin is Sinopharm, China. Hindi masyado ako maano dyan sa produkto ng puti. So ganon. But I will be receiving another, March,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
“So, that’s how it is. You limit it, you cut travel and everything and all the commercial exchanges would grind to a halt,” ani Pangulong Duterte.
Kaya nga aniya kapag ang lahat aniya ng mga Filipino ay nagpabakuna, wala nang kulang at walang maraming kutso-kutso ay kaagad niyang bubuksan ang ekonomiya ng bansa.
“Hindi kailangan lahat, basta makita ko lang yan, that is the standard, hindi naman lahat sabay sabay yan eh. But if I see most of the citizens can avail of the vaccine in any of the health centers, hospitals, at wala nang, that is the standard, then I will reopening everything sa ating ekonomiya,” anito.
Sa ngayon aniya ay pigil siya dahil sa mga bata.
Tiniyak naman ng Pangulo na gagawin ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito para i- rollout sa buong bansa ang Covid-19 vaccination program para magawa ng gobyerno na muling mabuksan ang mga eskuwelahan at dahan-dahan na i-resume ang face to face learning.
“To our students, I hope that despite the challenges ahead you will persevere and strive hard to excel and reach your potential,” ayon sa Pangulo.
“Together let us pursue our shared aspiration for a stronger, brighter future of the Filipino people,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.
Samantala, isa sa top priority ng administrasyong Duterte ang gawing de-kalidad ang edukasyon.
Sa katunayan aniya, ang taunang budget ng edukasyon ay pinakamataas sa lahat.
“The highest ng pera mapunta number 1 is education, mas mababa yung agriculture, it’s education, i don’t know te second, i can only remember the first because of the huge money allotted for the education department,” ayon sa Chief Executive.
“When I ran in 2016, i promised our people that by the end of my term, we would have built conducive, inclusive and resilient learning environment for our students. Sa awa ng Diyos mukhang natupad ko man, medyo hindi naman lahat, baka 1/4 of a whole. Ok na yan given the expenses that we have to fund and of course the antagal eh, the time needed to construct. Kakatapos lang and I remember it was in 2016 I was not yet the President,” lahad nito.
Ikinuwento ng Pangulo na ang kanyang ina ay isang retired public school supervisor. Isang guro sa buong buhay nito.
“Sa totoo lang ang malapit sa akin, sa puso, ang mga maestra. Pero nung nag increase ako ng salary, I already saw what was happening, pati ngayon nakikita ko na how it would develop within the next five years. I see… problems that we need money all the time for everyone na hindi naman talaga magkasya. Nakatarget ako doon. we were doing fine. our rating was BBB next to that is A, our credit ano natin. Hanggang ngayon pinahiram tayo pero mababa na lang kasi wala tayong pambayad, but DBP and World Bank were maybe a good spirit in them allowed us to borrow money to buy Covid vaccines. Nagiipon na po ako sa totoo lang, kasi sabi ko next ang teacher, totoo yan, nandyan si Secretary Briones. She’s maybe old but she’s a brilliant, professor of UP. maybe, summa ka ba Ma’am?,” litaniya ng Pangulo. (Daris Jose)
-
‘Forever home’ nina SHARON, kakayanin kahit ang pinakamalakas na lindol; two years bago matapos
NAKALULULA ang Instagram post ni Megastar Sharon Cuneta ng basement parking pa lamang ng ipinatatayo niyang bahay, na tinatawag niyang ‘forever home,’ kaya alam mo nang napakalaki ng lote nito at napakalaki rin ng bahay na itatayo dahil aabutin daw ng two years or more bago matapos. Caption ni Sharon sa video posted […]
-
Pinoy na nagsabing mahirap, bahagyang bumaba
BAHAGYANG bumaba ang bilang ng mga Pinoy na ikinokonsidera ang kanilang mga sarili bilang mahirap, batay sa nationwide survey ng Social Weather Stations (SWS) sa unang bahagi ng Disyembre 2023. Sa nasabing survey, 47% umano sa mga respondents ang nagsabi na sila ay mahirap o tinatayang 13.0 milyong self-rated poor families. […]
-
‘Chinese mafia’ nasa likod ng rice smuggling – BOC
TINUTUTUKAN na umano ng Bureau of Customs (BOC) ang impormasyon na isang “Chinese mafia” ang nasa likod ng smuggling sa bigas sa bansa, dahilan nang patuloy na pagmahal nito sa merkado. “Yung mga reports na nare-receive po ng office natin, binabanggit nga po mga Chinese,” ayon kay BOC Director Vernie Enciso. […]