• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinoy na nagsabing mahirap, bahagyang bumaba

BAHAGYANG bumaba ang bilang ng mga Pinoy na ikinokonsidera ang kanilang mga sarili bilang mahirap, batay sa nationwide survey ng Social Weather Stations (SWS) sa unang bahagi ng Disyembre 2023.

 

 

Sa nasabing survey, 47% umano sa mga respondents ang nagsabi na sila ay mahirap o tinatayang 13.0 milyong self-rated poor families.

 

 

Bahagya naman itong mas mababa kumpara sa 48% o 13.2 milyong pamilya noong Setyembre at pagbaba rin mula sa 51% noong Disyembre 2022.

 

 

Ang pagbaba ay dulot ng decrease sa Mindanao kung saan ang self-rated poverty ay bumaba sa 61% mula sa dating 71% noong Setyembre.

 

 

Samantala sa balance Luzon ay naging 39% mula sa 35%, sa Metro Manila ay 37% mula sa 38%, at sa Visayas region, 58% mula sa 59%.

 

 

Mula naman sa 13-milyong self-rated poor families, nasa 2.2 milyon ang nagsabi na sila ay “newly poor” o hindi dating mahirap sa nakalipas na apat na taon.

 

 

Samantala, nasa 1.6 milyon naman ang “usually poor,” at 9.2 milyon ang “always poor.”.

Other News
  • PBBM, pinuri ang pagsisikap ng LGUs sa gitna ng pandemya

    KINILALA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang aktibong mga  hakbang ng local government units sa gitna ng COVID-19 pandemic.     Personal na sinaksihan ni Pangulong Marcos ang  2022 Galing Pook Awards na isinagawa  sa  Ceremonial Hall sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes.     “As your President, I’m deeply encouraged by the effective […]

  • Duque, bagong chairperson ng WHO Western Pacific regional committee

    SA gitna ng mga kwestyon sa kanyang liderato, iniluklok bilang chairperson ng World Health Or- ganization (WHO) Regional Committee for Western Pacific si Health Sec. Francisco Duque III.   Nagkasundo ang 37-member states na ihalal si Duque para maging chairperson sa loob ng isang taon, kasabay ng pagbubukas ng kanilang 71st ses- sion ngayong araw. […]

  • Mga panukala at rekomendasyon ng NEDA, posibleng pagbigyan ni PDu30

    PARA maisalba ang mga Filipino sa pagkagutom at paghihirap ay posibleng pagbigyan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang naging panukala ng National Economic Development Authority (NEDA) na isailalim sa Modified General Community Quarantine ang buong bansa simula Marso 1.   Sa public address ng Chief Executive, Lunes ng gabi ay inirekomenda kasi rin ni Acting […]