May milagro kay Black
- Published on January 18, 2021
- by @peoplesbalita
NAGAGALAK at pasalamat si incoming Meralco sophomore professional Aaron Black sa pagkakasama niya top five candidates para sa Outstanding Rookie award ng 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Online Awards sa darating na Linggo, Enero 17.
“Definitely an honor to be considered as one of the better rookies of the (Philippine Cup) bubble,” litanya kahapon ng dating Ateneo Blue King Eagle sa University Athletic Association of the Philippine at anak ni Bolts coach Norman Black.
Swak sa No. 2 ng nakababatang Black sa statistical points (SPs) para sa nasabing parangal, na sinasandalan niya niyang motibasyon dahil kahit aniya ‘di bigatin at ‘di kabilang siya sa top rookie prospects, naging kandidato siya sa magandang puwesto.
Humihinga siya sa bumbunan sa SPs kay Roosevelt Adams ng Terrafirma Dyip at angat kina Kevin Barkley Eboña ng Alaska Milk, Aris Dionisio ng Magnolia Hotshots at Arvin Tolentino ng Barangay Ginebra San Miguel
“Even if you are drafted in the third or fourth round, if you work your butt off and you have the opportunity to show what you work for, I think it’s possible,” giit ng 24-anyos at 6-1 na kaliweteng guard.
Siya’y tinapik sa second round, 18th pick overall sa 35th PBA Rookie Draft 2019 ng kanyang tatay. (REC)
-
Negatibong balita laban sa Sinovac, produkto raw ng pamumulitika ng oposisyon
PARA sa Malakanyang, produkto lamang ng paninira ng oposisyon ang lumalabas na mga impormasyong pinakamahal ang Sinovac sa anim na brand ng COVID-19 vaccine. Ito ang tinuran ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa harap ng sinisimulan ng pag-order ng bansa ng bakuna pangontra sa COVID-19 na kung saan ay inaasahang unang darating ang China made […]
-
Saso papalo sa LPGA ‘JT’
IPAGPAPATULOY ni Yuka Saso ang pagkampanya sa 53rd Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2020-21, hahambalos sa ¥80M (₱35.7M) 9th Axa Ladies Golf Tournament in Miyazaki 2021 sa UMK Country Club sa Miyazaki Prefecture, Japan sa Marso 26-28. Magsisilbi ang tatlong araw na torneo para sa 19-anyos na Pinay-Japanese na ipinagmamalaki […]
-
Sarno sinungkit ang 2 gold sa Tashkent Asian lift fest
NAGREYNA sa Vanessa Sarno nang pamayagpagan ang women’s 71-kilogram division ng ginaganap pa ring 49th Asian Men’s and 30th Women’s Weightlifting Championships 2021 sa Tashkent, Uzbekistan nitong Miyerkoles ng gabi. Pinitas ng edad 17 Pinay na barbelista mula sa Tagbilaran, ang gold medal sa total lift sa 229 kgs. at sa clean and […]