May nagpapa-deliver ng food at may nagluluto: JILLIAN, umamin na dalawa sa kasama sa serye ang nagpaparamdam
- Published on January 12, 2024
- by @peoplesbalita

Sa guesting kasi ni Jillian sa Sarap, ‘Di Ba? ay tinanong ni Carmina Villarroel siya kung totoo bang may nagpaparamdam o nagpapa-cute sa kanya sa Abot-Kamay na Pangarap?”
Dito na nabanggit ni Jillian ang napapansin niya sa dalawang male stars na ito na hindi niya pinangalanan.
Lahad ni Jillian, “Ano po kasi, ayoko pong mag-assume pero kunwari po may magme-message na ‘I miss you.’ “Tapos binibilihan po ako ng food. Pag may nababanggit po ako na any food nasa harapan ko na po after a while.
“Yung isa naman po nagluluto.”
Pagkagulat ang naging reaksyon ni Carmina sa rebelasyon ni Jillian.
“Wait, yung isa nagluluto so dalawa sila? Dalawa sa show natin,” bulalas ni Carmina na incidentally ay gumaganap na ina ni Analyn Santos (Jillian) na si Lyneth sa Abot Kamay Na Pangarap.
Depensa naman ni Jillian, baka naman raw nakikipagkaibigan lamang ang mga ito sa kanya.
“Hindi ko po alam. Baka kasi po friendly.
“Ano lang po parang sinasabi niya nag-e-enjoy siya na kasama ako, may mga ganoon po.”
***
UMAMIN ang Metro Manila Film Festival o MMFF Best Actor na si Cedrick Juan na nag-attempt siya na manligaw dati sa Kapuso actress na si Analyn Barro.
Lahad ni Cedrick, “Hindi ko po siya talaga niligawan. I think I just tried, pero hindi siya nag-work.
Naganap ang pagtatapat ng aktor sa Fast Talk With Boy Abunda.
Sa kabila ng pagkakaudlot ng panliligaw niya sa dalaga, naging magkaibigan sina Cedrick at Analyn.
“Pero super friends lang kami. Yeah, friends pa rin kami. Pero hindi talaga iyon nagkaroon ng official na exclusively dating,” pagbabahagi pa ni Cedrick.
Sa isang guesting naman ni Empoy Marquez sa Fast Talk With Boy Abunda, sinabi ng komedyante na crush niya si Analyn na nakatrabaho niya sa Bubble Gang.
So handa ba si Cedrick na harapin si Empoy?
“Grabe wala akong laban kay Empoy! Yung humor. Iba, iba si Empoy,” pahayag ni Cedrick na gumanap sa GomBurZa bilang si Padre Burgos kung saan siya nagwaging pinakamahusay na aktor.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Ads December 19, 2022
-
PBA awards isasabay sa Season 47 opening
MULING isasabay ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pagdaraos ng Season 46 Awards Night sa pagbubukas ng Season 47 sa Hunyo 5 sa Smart Araneta Coliseum. Unang ginawa ito ng PBA noong Marso 8, 2020 kung saan hinirang si June Mar Fajardo ng San Miguel bilang MVP sa ikaanim na pagkakataon kasunod ang […]
-
PBBM, First Lady Liza bibisitahin ang Germany, Czech Republic sa susunod na linggo
NAKATAKDANG lumipad si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. patungong Germany at Czech Republic sa susunod na linggo. Inimbitahan kasi si Pangulong Marcos ni German Chancellor Olaf Scholz para sa Working Visit sa Germany, at ni Czech President Petr Pavel para sa State Visit sa Czech Republic. Ang nasabing back-to-back visits ay […]