May nagsara, nagbukas kay Alas
- Published on September 19, 2020
- by @peoplesbalita
PINAGSARHAN ng pinto ng Phoenix Superkalan LPG Fuelamsters sa Philippine Basketball Association (PBA) si Francisco Luis Alas nitong Setyembre 11.
Pero may panibagong bintana namang nagbukas para sa buhay-pamilya ng beteranong coach na nakatakdang matapos ang tatlong kontrata sa team sa darating na Oktubre 31.
“Year 2020, nawala ang trabaho ko pero tatlong babae naman ang pumalit – si Amy ‘yung wife ni Junjun, si Selina ‘yung wife ni Kevin, at si Kamryn. So, saan ka pa, ‘di ba?” ,isa-isa ng 56-anyos na nanggaling na bilang tactician sa tatlong iba pang mga liga.
Ito ay sa ASEAN Basketball League (ABL), nabuwag na Metropolitan Basketball Association (MBA) at National Collegiate Athletic Association (NCAA). Pa-Phoenix hinawakan din niya ang Mobiline/Talkk ‘N Text sa PBA.
May dalawang bagong manugang at isang apong babae na si Alas ngayon.
“Kahit sinasabi mo nga na sobrang saya tapos napalitan ng lungkot,” dugtong niya.
“Pero hindi mapapalitan ‘yung saya na nakuha namin du’n sa pagkawala ng isang trabaho lang.”
Biyernes ng nabanggit na petsa ng buwang ito nang ipaskil ng Phoenix management na sinibak na si Alas bilang coach, walang binigay na konkretong rason. At pinalit sa puwesto niya si assistant coach Michael Christopher Robinson.
“’Nung pagpirma ko sa kanila dito, ang sinabi ko, ‘If you feel na ‘yung performance ko is nagdi-dip na, wala kayong kailangang gawing justification whatsoever. Just let me know,’” esplika pa ng bench strategist.
Maliwanag aniya ‘yung usapan nila, performance-based ang termino niya.
Sapul nang maupo sa koponan noong 2017, nakakolekta si Alas ng 33-33 win-loss record sa Fuel Masters.
Sa unang senaryo sa prangkisa, top seed ang Phoenix pagkatapos ng eliminations ng 44th Philippine Cup 2019, nakaentra Final Four pero niligwak ng eventual champion San Miguel Beer. Hindi na sila nakabalik sa playoffs sa sumunod na dalawang komperensya.
Isa sa pumilay sa gasolina ang indefinite suspension kay Calvin Abueva sa kaagahan ng midseason Commissioner’s Cup. (REC)
-
Natutunan na dedmahin na lang: MARTIN, ‘di pumapatol sa comments pag ‘di totoo
SEXY actor ang dapat na unang image ni Rob Gomez kaya ang naging unang project niya ay ang sexy drama na ‘A Girl And A Guy’ na pinalabas via Netflix noong 2021. Napapayag si Rob na gawin ang sexy movie para magkaroon ng ingay ang pangalan niya. Kaya wala siyang takot na gawin ang mga […]
-
Scott Eastwood Reprises His Role As ‘Little Nobody’ In The Upcoming ‘Fast and Furious 10’
SCOTT Eastwood is returning to The Fast Saga, reprising his role as Eric Reisner a.k.a. Little Nobody in Fast & Furious 10. Also known as Fast X, the tenth film in the main franchise is currently in production after a brief but significant snafu regarding its filmmaker. Director Justin Lin, who returned to […]
-
Nilinaw na ng kanilang management: JENNYLYN, ‘di lilipat sa ABS-CBN at na-hack ang account ni DENNIS
NAGDULOT nga ng kontrobersiya ang Kapuso actor na si Dennis Trillo sa mga Kapamilya fans. Tungkol ito sa naging sagot niya sa katanungan ng netizens tungkol sa pagkawala ng kanyang asawa na si Jennylyn Mercado sa newest GMA Network Station ID at malakas daw ang tsika na lilipat sa ABS-CBN. […]