May pagkakaiba ba ang “Single Parent” sa “Solo Parent”?
- Published on June 30, 2022
- by @peoplesbalita
OPO. Ang mga kinukunsidera na solo parent ay naka-enumerate sa batas R.A. 8972 Solo Parent Welfare Act.
May amendment sa batas na ito ang Senate Bill 1411 kaya’t pag ganap nang batas, may mga madadagdagan na klase ng Solo Parents.
Maraming Single Parents ay maituturing sa Solo Parents kung ang kanilang status sa buhay ay kwalipikado ayon sa batas. Pero hindi lahat ng Single Parent at maituturing na Solo Parent.
Halimbawa ang isang Single Mother na sinusuportahan naman siya at ang kanyang anak ng ama ng bata. Sa batas, isang elemento sa pagiging Solo Parent ay “Left Solo or Alone with the responsibility of Parenthood”. Kaya pag may simpatyang natatanggap mula sa ibang tao sa pag aaruga at pagpapalaki ng anak hindi siya matuturing na Solo Parent. Kaya’t hindi siya kwalipikado sa mga benepisyo sa ilalim ng Solo Parent Act.
Pero paano kung kulang ang binibigay na suporta o kaya naman kailangan pang idemanda ang ama ng bata? Pera lang ba ang kailangan ng Solo Parent?
Ito ang isang nakikita ng inyong lingkod na maaring maikonsidera ng ating mga mambabatas na kahit nakatatanggap ng pera ang ina ng bata ay maaari pa rin siyang ikonsidera na solo parent at ma-avail nya ang mga benepisyo sa ilalim ng batas.
Maaari kayang idagdag bilang Solo Parent ang mga sumusunod:
- a) Parent Left Solo or Alone with the responsibility of Parenthood Receiving Financial support to the child/children but such amount is inadequate for everyday subsistence, education and other basic needs of the child/children.
- b) Parents receiving financial support by virtue of a court order or decision.
Ang dahilan ay simple – kung hindi sapat ang suporta, dapat ang batas ang magpuno ng pagkukulang dahil bakit ipagkakait nating ang benepisyo ng batas kung ang ipinaglaban lang naman ng magulang ay kapakanan ng kanyang anak. (Atty. Ariel Inton Jr.)
-
LTFRB didinggin ang petisyon ng transport groups
ITINAKDA ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa September 26 ang pagdinig ng petisyon na inihain ng transport groups para sa P5 na taas pasahe bilang minimum fare. Kasama sa didinggin sa petisyon ang provisional adjustment na P1 sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong krudo sa merkado. […]
-
Mga nasawi sa buong mundo sanhi ng COVID-19, lagpas 3K na
LAGPAS 3,000 na ang bilang ng mga nasawi sa buong mundo dahil sa COVID-19 as of March 2, kasabay ng pagtatala ng 42 pang mga nasawi mula China. Mula Hubei province ang lahat ng mga bagong nasawi, ayon sa National Health Commission, dahilan para umakyat na sa 2,912 ang mga namatay sa mainland China. […]
-
Ads February 6, 2025