• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

May pantapat na ang TV5 kina Luis at Dingdong: JOHN, first-timer pero swak na swak na host ng ‘SPINGO’

ANG larong Bingo na paborito ng mga Pilipino ay may bagong bihis na nagdadala ng susunod na antas ng paglalaro sa Philippine TV.

 

 

Sa pamamagitan ng international format, kasama ang first-time game show host na si John Arcilla, ipakikilala ng TV5 ang SPINGO, isang game show na maghahandog ng interactive na karanasan para sa mga manonood simula ngayong Setyembre 11.

 

 

Pangungunahan ito ng kinikilalang aktor, ang bagong hirang na Heneral ng Papremyo at si Spingorgeous Girl Sam Coloso bilang kanyang co-host, bibigyan ng SPINGO ang mga Pilipino ng kakaibang karanasan sa game show.

 

 

Ayon kay John, sobrang saya niya at nagpapasalamat na napiling mag-host ng bagong game show na sisimulan nga ng TV5, na hopefully na magkaroon ng franchise soon sa mga karatig-bansa sa Asya.

 

 

Kahit na malaking challenge ito at natutuwa nga ang premyadong aktor dahil nailalabas niya ang tunay niya na katauhan na hindi na niya kailangang umarte, na tulad ng ginagawa niya sa pelikula at teleserye.

 

 

Natural daw kasi kay John ang magiging masiyahin, at hilig din sa pagpapatawa, na magagamit niya sa pagho-host. Bukod pa rito, ang husay niya sa pag-awit na posible ring lumabas nang pasundot-sundot habang nagho-host ng nakaka-excite na SPINGO.

 

 

At base nga sa nasaksihan namin, parang minamani lang ito ni John dahil swak na swak siya na host ng game show. Hindi rin siya nangangamba na magkaroon ng pagkakamali habang nagti-taping ng bagong show, na gusto nga niyang i-share sa manonood, kung may pagkakataon.

 

 

Kaya mukhang nakahanap na ang TV5 ng bagong pangtapat bilang game show host. Kung may Luis Manzano ang Kapamilya channel at Dingdong Dantes ang Kapuso Network, hindi naman magpapahuli ang isang John Arcilla.

 

 

Kaya dapat abangan at tutukan ng manonood, kung paano niya itatawid ng SPINGO araw-araw mula Lunes hanggang Biyernes, simula sa Setyembre 11, 5:30-6:30 PM.

 

 

Itatampok sa game show ang mga trivia-based challenges at isang dynamic na gameplay na magbibigay sa mga kalahok at manonood ng pagkakataong manalo ng malalaking premyong salapi.

 

 

Gaya ng tagline ng palabas na, “Sa bawat spin, go for the win!,” ang bawat pag-ikot ng wheel ay nagbibigay ng pagkakataong magbukas ng malaking kapalaran.

 

 

Sa bawat episode ng SPINGO, tatlong studio contestant na may sarili nilang mga Bingo digital tube ang kakailanganing mangolekta ng mga may numero na bola sa tatlong round. Sa simula ng bawat round, pinapaikot ang roulette wheel at tinutukoy nito kung magkano ang naipon sa digital prize pot.

 

 

Ang unang makakolekta ng 15 bola ay maglalaro sa Final Round at magkakaroon ng pagkakataong kunin ang lahat ng pera sa prize pot at higit pa.

 

 

Maaari ding sumali ang mga home viewers sa SPINGO fun para sa pagkakataong manalo ng hanggang P100,000. Para makasali, kailangan lang nilang i-download ang SPINGO app mula sa Google Play Store. Pagkatapos ng matagumpay na pagpaparehistro, dapat nilang hintayin ang kanilang mga e-pin sa pamamagitan ng SMS, na nagbibigay sa kanila ng mga digital na SPINGO card.

 

 

Pagkatapos, maaari nilang simulan ang pag-black out ng kanilang mga card habang nanonood ng palabas. Nanalo sila sa sandaling makaipon sila ng 15 katugmang numero mula sa mga numerong nakolekta ng lahat ng 3 studio contestant bago ianunsyo ng host ang pagtatapos ng home game.

 

 

Para sa higit pang impormasyon at kapana-panabik na update, sundan ang TV5 sa kanilang opisyal na mga social media page sa Facebook at YouTube at bisitahin ang SPINGO website sa tv5.com.ph/spingo.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Dahil nakapag-guest na sina Cassy at Mavy: CARMINA, bukas sa posibilidad na makasama rin sa serye si ZOREN

    NAKAPAG-GUEST na sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’ ang kambal na anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na sina Cassy at Mavy Legaspi, at dahil extended nga ang show, may posibilidad kaya na mag-guest naman si Zoren sa show? “Ay why not? Malay mo naman, di ba,” reaksyon ni Carmina sa tanong namin sa aktres. […]

  • Magandang birthday gift sa Kapuso actress: BARBIE, nanalo na naman ng Best Actress dahil sa pagganap bilang Klay

    NAGING isang magandang birthday gift kay Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza last July 31, ang patuloy niyang pananalo ng acting awards sa pagganap niya as Klay sa “Maria Clara at Ibarra” na kasama niya sina Dennis Trillo, Julie Anne San Jose at David Licauco.      On Instagram, Barbie posted a photo of her Best […]

  • Eric Bellinger, Inigo Pascual, Sam Concepcion, Moophs, Zee Avi, at Vince Nantes, nag-unite para sa ‘Rise’

    NAGSIMULA na ang worldwide release ng “Rise” thru Tarsier Record s ng ABS-CBN noong Setyembre 18 na kung saan nag- unite ang ilang Asian artists para sa collaboration na ito.   Kinabibilangan ito nina Grammy Award-winning R&B artist Eric Bellinger, Filipino pop stars na sina Inigo Pascual at Sam Concepcion, Manila-based pro- ducer na si […]