May payo sa controversial director na si Darryl: Sen. IMEE, inamin na matagal na silang ‘di nag-uusap ni PBBM
- Published on March 26, 2025
- by @peoplesbalita
“Hindi na kami nag-uusap, matagal na… Maraming nakapaligid sa kanya na humaharang sa aming mag-usap,” pahayag ni Sen. Imee na muling tumatakbo bilang senador.
Ayon pa kay Sen. Imee, wala siyang hinanakit kay PBBM sa hindi pagbanggit ng kanyang pangalan sa Alyansa rally sa Cavite noong Biyernes.
“Ayos lang sa akin. Wala namang problema doon. Okay lang dahil nakatutok ako sa pagsisiyasat ng pagkuha kay FPRRD sa Pilipinas patungong the Hague. Unahin natin ang pagtanggol sa ating soberanya, kaysa sa pulitika’t kampanya,” tugon ng butihing senadora.
Ang senador ay isang matibay na tagapagtanggol ng dating pangulo, na ang pag-aresto sa isang warrant ng International Criminal Court para sa umano’y labag sa batas na pagpatay na ginawa noong kanyang giyera sa droga ay ipinatupad ng administrasyong Marcos.
Sa Alyansa rally sa Laguna noong Sabado, ay tinanggal din ng Pres. Bongbong si Sen. Imee sa kanyang panawagan para sa suporta ng publiko para sa Senate slate ng administrasyon.
Samantala, natanong din siya tungkol sa hinaharap na two counts of cyberlibel ni Direk Darryl Yap na nag-ugat sa teaser trailer ng ’The Rapist of Pepsi Paloma’ na kung saan nabanggit ang pangalan ni Vic Sotto.
Ang payo naman lang niya sa kontrobersyal na direktor, “well, ito si Darryl, ‘di maawat eh! Kaya eto, mag-ingat na lamang.
“Mautak naman ‘yun dahil alam kong kaya niyang labanan ‘yun sa korte. At ipakita kung ano talaga ang nararapat.”
Hindi na nga natuloy ang part three ng ‘Maid in Malacañg’ na may title na ‘Mabuhay, Aloha, Mabuhay’, na sa pagtatapos ng part two ay pinakita na si Aga Muhlach ang gaganap na PBBM at si Eula Valdes naman si Sen. Imee.
Update naman niya tungkol dito, “hindi nga malaman kung ano ang ending eh!”
Oh well, abangan na lang natin kung matutuloy pa ito dahil sa ngayon ay malabo na talaga itong mangyari.
(ROHN ROMULO)
Other News
-
Ads November 30, 2024
-
Baril tinangkang agawin, drug suspect malubha sa pulis
Nasa malubhang kalagayan ang isang 32-anyos na drug personality na nagtangkang gahasain ang isang 15-anyos na estudyante matapos pumutok ang service firearm ng isang pulis na kanyang tinangkang agawin sa isang entrapment operation sa Caloocan city. Kinilala ni District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) officer-in-charge P/Maj. Amor Cerillo ang naarestong […]
-
Ads April 2, 2022