Maynila lugmok sa utang!
- Published on February 10, 2022
- by @peoplesbalita
MALAKING problema sa susunod na administrasyon ng Maynila ang lugmok nitong kabuhayan at ang malaking utang sa mga lokal na bangko sa bansa.
“Nakalulungkot kasi po, napakaraming pera … pero umutang pa ang city hall ng mahigit sa P15-bilyon na ginastos sa mga maling priority. Sino ang hindi madidismaya sa economic condition ng Maynila,” sabi ni Atty. Alex Lopez.
Lalo pang nalungkot ang negosyante at ekonomistang panganay na anak ni dating Manila Mayor Mel Lopez ang katotohanang naunahan na ang Maynila ng mga katabing siyudad tulad ng Quezon City, Makati at Pasig sa Metro Manila.
“Sa maraming bagay, napag- iwanan na ang Maynila,” sabi ni Atty. Lopez na pamangkin ni dating Manila 2nd District Rep. Jim Lopez.
Dagdag ni Lopez, malaking pondo ang iniwan ng kanyang ama nang iwan ang city hall, “ sa tantiya ko, aabot ng mahigit na cash na P1.2 bilyon noong 1992.”
Kung sa palitang dolyar sa piso ngayon, katumbas ng P20-bilyon ang P1.2–bilyon ang iniwang pondo ni Mayor Lopez sa Maynila.
Kung siya ang pagtitiwalaang maging alkalde, sinabi ni Atty. Lopez sisikapin niyang maibalik ang tawag sa Maynila na “ Pearl of the Orient.”
Ikatlo na lamang ang Maynila sa may malaking income sa mga siyudad sa Metro Manila.
Kung hindi mababago ang liderato sa city hall, nangangamba si Atty. Lopez na iiwanan na ito ng Quezon City, Makati, Pasig at iba pang siyudad sa bansa.
“Ikinatatakot ko, magiging kulelat pa tayo kung hindi maaagapan,” pangamba ni Lopez.
Tiwala ng mga negosyante ang kailangang maibalik sa Maynila at mapataas ang koleksiyon ng buwis at iba pang bayarin.
“Ibabalik natin ang tiwala ng mga negosyante sa City of Manila. ‘Yong tax at permits, ibaba na ‘yan. Padaliin na ‘yong city permits para hindi na pinahihirapan nila ang mga negosyante,” ani Lopez.
Kukuha siya ng magaling na taong hahawak sa salapi ng lungsod. Gagawin niya sa tulong ng City Council na maibababa ang tax at city permits para mapabilis ang proseso nito at mahikayat ang mga negosyanteng mamuhunan sa Maynila.
“Pati ang big foreign investors ay hihikayatin natin na mag-invest at bibigyan natin sila ng kaluwagan at mabilis na business permits, walang red tape nang sumigla ang economy, makalikha ng maraming industry, establishments, trabaho at mapagkakakitaan,” sabi ng kandidatong mayor ng PFP.
Tungkol sa mahigit na P15- bilyong inutang ng kasalukuyang administrasyon, sinabi ni Lopez na sana ay naiukol sa mga tamang proyekto ang salapi.
“Sa hindi tamang priority ginastos ang mga inutang, sayang ang laki ng pera (ng Maynila), kung saan-saan lang napunta at kailangan na maipaliwanag nila ito sa taumbayan,” sabi ni Atty. Lopez. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
PAULO, tinatawanan na lang ang wild comments tulad ng “sa akin ka na lang” at “anakan mo ko”
ISA sa mga artista na aktibo sa kanyang Twitter account si Paulo Avelino. Kung tutuusin nga, parang iba ang nakikitang personality sa kanya sa Twitter at kung titingnan siya na parang seryoso naman sa totoong buhay. May pagka-witty at randomly, may mga nirereplayan talaga siyang mga fan na nagtu-tweet. […]
-
P59.8-B health emergency allowance, ipamamahagi sa mga medical frontline -PBBM
TINATAYANG P59.8 bilyong piso ang ipamamahagi sa medical frontline workers para sa kanilang health emergency allowance sa panahon ng COVID-19 pandemic. Sa isang Facebook post, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos na ang nasabing halaga ay 78.92% ng COVID-19 health emergency allowance na inilaan ng gobyerno sa mga health worker. Sa naging […]
-
Matapos na mag-congrats sa nalalapit na kasal: SHARON, binanggit kay MAINE na kasama ang bagong son na si ALDEN
SI Megastar Sharon Cuneta ang special guest ng TVJ at Legit Dabarkads sa pilot telecast nila ng noontime show nila sa TV5, ang “E.A.T.” last Saturday, July 1. Kinanta ni Sharon ang “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko,” pero nag-request pa ng another song ang TVJ, ang “Bituing Walang Ningning.” Pero bago muling […]