• June 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mayor Guo sinalag ‘conspiracy’ sa POGO

NANINDIGAN si Bamban Tarlac Mayor Alice Guo na wala itong koneksyon sa anumang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) operations sa bansa kaya maling tawagin itong “conspirator” nang walang matibay na ebidensya.

 

 

Ang pahayag ay ginawa ni Mayor Guo bilang reaksyon sa kasong Anti-Trafficking in Persons na isinampa laban sa kanya sa Department of Justice (DOJ) ng Phi­lippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

 

 

Giit ni Mayor Guo, ang pagkakaroon lamang ng koneksyon sa mga kum­panya o indibidwal ay hindi sapat na batayan upang tawagin ang isang tao na kasabwat.

 

 

Inihayag ng alkalde na ang mga ganitong akusasyon ay kailangang masuportahan ng sapat na ebidensya.

 

 

“Ang pagiging cons­pirator ay may legal na batayan sa ating bayas. Ang pagkakaroon ng koneksyon sa mga kum­panya o indibidwal, lalo na kung hindi malinaw, ay hindi sapat upang iugnay ang isang tao sa kaso, partikular na sa kaso ng Human Trafficking,” sabi ni Mayor Guo.

 

 

Binanggit niya na wala siyang anumang kaugnayan o pakikibahagi sa Zunn Yuan Technology, Inc. o anumang POGO sa bansa.

 

 

Kahit na hindi pa natatanggap ang kopya ng pormal na reklamo, nananatiling kumpiyansa si Mayor Guo na walang sapat na ebidensya na mag-uugnay sa kanya sa mga paratang.

 

 

Ipinahayag niya ang kanyang pangamba na ang mga paratang ay maagang inilabas sa publiko bago pa man ipakita ang anumang kongkretong ebidensya.

 

 

Aniya, tila niluto muna sa publiko at sa media ang mga alegasyon bago ito isinampa laban sa kanya. (Daris Jose)

Other News
  • Carlo Paalam’s Olympic win,ipinagbunyi ng mga taga- CdeO

    Ipinagbunyi mismo ni City Mayor Oscar Moreno ang panibagong panalo ng kanyang alaga na noo’y paslit pa lamang at kasalukuyan ng Olympian boxer Carlo Paalam.     Ito ay matapos nasaksihan ng alkalde kung gaano kalaki ang pag-unlad ni Carlo sa larangan ng boksing ang kabilang sa mga atletang Pinoy na patuloy nakikipag-sapalaran sa Tokyo […]

  • 1 PATAY, 6 SUGATAN INARARO NG KOTSE

    ISA ang patay habang anim ang sugatan nang araruhin ng isang kotse sa Binondo, Manila.   Inaalam pa ang pagkakakilanlan sa namatay habang kinilala ang mga nasugatan na sina Jerry del Rosario, 41, ng Montalban Rizal; Adriano Limse, 38 pedicab driver ng Kagitingan Tondo, Manila; Ryan Caranzo , 39 ng Dagupan, Tondo; Jonathan Ratin, 40 […]

  • BEBOT PATAY, 1 SUGATAN SA LOOB NG MANILA NORTH CEMETERY

    PATAY ang isang 33-anyos na dalaga nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa loob ng Manila North Cemetery habang sugatan din ang kasamahan nito, Martes ng hapon.     Kinilala ang nasawi na si Marivic Quiso y Reyes, alyas Bechay, ng 78 Maria Clara St., Banawe,Quezon City.     Inoobserbahan naman sa Jose Reyes […]