Mayor ISKO, mas maganda na tapusin ang full term bago tumakbo bilang Pangulo
- Published on August 16, 2021
- by @peoplesbalita
NANUMPA na si Manila Mayor Isko Moreno bilang party president ng Partido Demokratiko noong nakaraang linggo.
Ibig sabihin ba nito ay tatakbo siyang president next year bilang standard bearer ng partido na binuo ng yumaong senador na si Raul Roco?
Hindi pa naman nagdedeklara ng kanyang candidacy si Yorme Isko pero kung kami ang tatanungin, mas gusto namin na mag-seek siya ng election bilang mayor ng Maynila.
Nasa first term pa lang niya si Isko bilang Manila Mayor pero marami na siyang nagawa para ayusin ang lungsod. Mas gusto namin that he seek reelection para maituloy niya ang mga magaganda niyang projects.
Mas gusto namin na tapusin ni Isko ang full term niya as Mayor para ma-implement niya lahat ng kanyang mga plano for the good of the city.
If he does good in Manila, yun ang magandang passport niya sa presidency sa 2028. Magaganda ang projects tulad ng mga condo para sa mga informal settlers, mga bagong school buildings, maayos na pamamahagi ng ayuda at bakuna. Nakapagpagawa pa siya ng field hospital.
Maganda ang ginagawa niyang pagpapatakbo sa Maynila kaya dapat may continuity ang mga ito. Huwag niyang sayangin ang momentum. Habang malakas siya sa mga taga-Maynila, we suggest na ituloy niya ang panunungkulan bilang mayor.
Sayang naman ang kanyang nasimulan na kung hindi ito maipagpapatuloy.
We believe na mas kailangan siya ng Maynila sa ngayon. Bata pa naman siya. He can seek the presidency later.
Mabuti rin naman na marami ang nagtanggol kay Mayor Isko sa paninira sa kanya ni Pres. Rodrigo Duterte. Bagama
Nakahanap ng kakampi si Mayor Isko kina VP Leni Robredo,Cavite Governor Jonvic Remulla at Senator Ralph Recto na ipinagtanggol siya sa paninira ni Digong.
***
MAY bagong twist na naman sa favorite show namin na Huwag Kang Mangamba.
Hinuli si Barang (Sylvia Sanchez) at dinala sa isang mental health facility, na hindi alam ng mga anak-anakan niyang sina Joy (Francine Diaz) at Mira (Andrea Brillantes).
Posibleng mapahamak si Barang kung hindi siya mahahanap nina Joy at Mira dahil may eksena sa trailer ng Huwag Kang Mangamba na nakakulong siya at tinuturukan ng gamot.
Nakagugulat din na pumayag si Enchong Dee (who plays a priest) na i-give up ang pagpapatayo ng simbahan kaya may conflict kina Mira at Joy.
Siyempre pa, tuwang-tuwa naman ang mga kontrabida na sina Eula Valdez at Mercedes Cabral dahil tila umaayon sa kanila ang mga pangyayari.
Pero naniiwala pa rin kami na sa huli ay mabibisto ang pagiging fake healer ni Eula at lalabas ang totoo na sila ang pumatay sa nanay nina Joy at Mira.
Huwag kaligtaang panoorin ang Huwag Kang Mangamba kung saan ang husay-husay ni Sylvia sa kanyang role bilang si Barang.
(RICKY CALDERON)
-
Pag-IBIG Fund net income, pumalo sa ₱38.06B record-high nitong Oktubre 2022
NAKAPAGTALA ang Pag-IBIG Fund ng record-high net income na ₱38.06 bilyong piso mula Enero hanggang Oktubre 2022. Sa isang kalatas, sinabi ng Pag-IBIG Fund na nakapagtala ito ng bagong record net income kung saan nalampasan ang ₱34.73 bilyon na nakuha noong taong 2021. Ang record-high ay 39% increase kumpara sa kahalintulad […]
-
Biglaan lang ang nangyari nang sila’y magkabalikan: KRISTOFFER, inamin na wala pa sa isipan na pakasalan ang longtime gf na si AC
INAMIN ni Kristoffer Martin na wala pa sa isipan niya ang magpakasal sa kanyang longtime girlfriend na si AC Banzon. Pero dahil sa naging balikan nila, ayaw na raw niyang maghiwalay sila kaya naganap ang isang civil wedding noong nakaraang February 3. “Kami ni AC, we’ve been together for eight years […]
-
Sinovac COVID 19 vaccine, parating na sa bansa sa ikatlong linggo ng Pebrero – Malakanyang
PARATING na sa Pilipinas ang bakuna mula sa China na inaasahang tatapos sa COVID 19. Tiniyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sa Pebreroo 20 ang dating ng Sinovac sa bansa. Sa susunod naman na buwan o sa Marso ay inaasahang maituturok ang bakuna na kung saan ay prayoridad na mabigyan ang mga […]