Malakanyang, siniguro na hindi mangyayari sa Pilipinas ang panunuhol ng Sinovac sa ibang bansa
- Published on December 12, 2020
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Malakanyang na hindi masusuhulan ang mga eksperto sa pamahalaan ng Pilipinas para sa mabilis na pagbibigay ng Emergency Utilization Authority (EUA) sa mga manufacturer ng COVID vaccine.
Ito ang binigyang-diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque makaraang mapaulat ang sinasabing pagkakasangkot ng kumpanyang Sinovac sa ibang bansa, para mapabilis ang pagpoproseso ng kanilang mga papeles at magamit ang kanilang produkto sa bansang susuplayan nito.
Ani Sec. Roque, buo ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga vaccine expert at sa Food and Drugs Administration (FDA), na siyang mag-aaral sa kaligtasan at bisa ng mga bakuna laban sa COVID-19.
Aniya, dalawa lang ang magiging basehan kung maaaprubahan ang bakuna sa bansa, at ito ay ang safety at efficacy ng gamot. (Daris Jose)
-
2 OFW INARESTO SA PAMEMEKE NG KANILANG EDAD
NASABAT ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport (CIA) ang dalawang Overseas Filipino Workers na patungo sana ng Jeddah dahil sa pamemeke ng kanilang edad. Sa ulat kay BI Commissioner Jaime Morent nina Travel Control and Enforcement Unit officers Maria Clarissa Bartolome at Kaypee Enebrad, pansamantalang hindi pinangalanan […]
-
“SUSUKA pero hindi SUSUKO”
HINDI inalintana ng mga youth volunteers ni presidential candidate Manila Mayor Francisco “ISKO” Domagoso na lulan ng “Bus ni Isko” ang bagyo at sama ng panahon matapos nilang suungin ito patungo ng Dapitan , Zamboanga del Norte noong nakaraang araw ng Martes ng buong tapang. Ayon Kay Ces Bayan , ng grupong Ama […]
-
Pagbubuwis sa luxury items, bahagi ng tax reform-NEDA
BAHAGI ng tax reform program ng pamahalaan ang pagbubuwis sa mga luxury items. “This is still part of making the tax system simpler,” ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon. Sa ulat, sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda na pinag-aaralan na ng kanyang komite na patawan ng […]