Mayor Isko nagpabakuna kontra COVID-19
- Published on April 7, 2021
- by @peoplesbalita
Naturukan na ng Sinovac vaccine laban sa COVID-19 si Manila Mayor Isko Moreno.
Mismong si Manila Vice Mayor Honey Lacuna, na isang doktor, ang nagsagawa nito kahapon ng umaga sa Osmeña High School sa Tondo, Maynila.
Agad nagpabakuna si Moreno matapos payagan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Inter-Agency Task Force (IATF) na mabakunahan ang mga alkalde na nasa high risk areas na humaharap sa paglaban sa pandemya sa kanilang mga hurisdiksiyon.
Hindi naman aniya ‘Superman’ ang tulad niyang mayor na ‘di tamaan ng COVID-19 sa pang-araw-araw na trabaho. Ilang alkalde na rin anya ang napaulat na nagkaka-COVID at ang iba ay namatay.
“I made a commitment to the people of Manila that I would get the Sinovac vaccine. A lot of Filipinos have doubts about Sinovac, so as a matter of commitment, I got vaccinated with it,” ani Moreno.
“May nagsasabi noon na, ‘Pabakuna ka nang pabakuna sa amin, pero ikaw hindi pa nagpapabakuna.’ I had to wait because the rules had to be followed. Heto ngayon nabakunahan na ako,” wika niya.
Pinaalala ni Moreno sa mga nabakunahan na patuloy pa ring sundin ang health protocols dahil walang garantiya na hindi na mahahawaan pa ang may bakuna na.
Sa kasalukuyan, nakapagbakuna na ang lungsod ng 41,692 na A1, A2 at A3 categories na kinabibilangan ng medical at health frontliners, senior citizens na may comorbidities at mga may edad na nasa 18-59 na may comorbidities. (Gene Adsuara)
-
May iibahin sa Korean version ng ‘Start-Up’: BEA, excited nang mag-shoot dahil uniquely Filipino ang version nila ni ALDEN
OPISYAL na ngang kinumpirma ng aktres na si Bea Alonzo sa kanyang Instagram account na siya ang gaganap sa Pinoy adaptation ng Start-Up. Ang Start-Up ang isa sa nag-hit na k-drama noong nakaraang taon at gagampanan ni Bea ang role ng isa sa pinakasikat na Korean actress, si Bae Suzy. Sa […]
-
Ads May 27, 2024
-
Higit P174-milyon shabu, nasamsam sa 3 magkakapatid
Mahigit sa P174 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa tatlong magkakapatid, kabilang ang isang menor-de-edad na nailigtas sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City. Pinuri ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo ang Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. […]