Mayor Jeannie, kinilala bilang “Most Influential Filipina Woman in the World”
- Published on November 8, 2024
- by @peoplesbalita
NAPILI si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval para tumanggal ng pristihiyosong “Most Influential Filipina Woman in the World” award mula sa Foundation for Filipina Women’s Network (FWN).
Si Sandoval ay pinarangalan sa Awards Gala Ceremony, ang highlight ng 20th Filipina Leadership Global Summit, na ginanap sa Sheraton Grand Sydney Hyde Park sa Sydney, Australia, mula October 27 to 31, 2024.
Ang 2024 Summit’s theme “Femtech Futures: AI & Tech,” ay ipinagdiriwang ang kababaihan na mga ninuno ng Pilipinas na nagbabago ng pamumuno sa global workplace. Si Sandoval ay napili mula sa isang natatanging larangan ng mga nominado para sa kanyang mga natatanging kontribusyon bilang isang babaeng negosyante at public service.
Pinangalanan ng FWN si Sandoval bilang “Most Influential Filipina in the World,” at pinarangalan siya ng Policy Maker and Visionary: The Strategist award category in the Secondary Economic Sector: Government, isang pagkilalang ibinigay sa isang Filipina leader sa pagbabago ng strategic vision at negosyo na malaki ang naiimpluwensyahan ng katalinuhan sa patakaran at pagbabago na nagpapayaman sa buhay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanyang kaalaman, karanasan, pagpapatakbo ng negosyo, industriya at society progress.
“We thank the Filipina Women’s Network for the award and for its goal to empower women to become leaders that will shape the society and the economy for the better. The award serves as a proof of our courage to face any challenges and aim for the best. This serves as an inspiration not just for me, but for all who were also recognized to continue giving our best in our specific fields and to encourage women to reach their full potential as we walk together towards a better world,” ani Mayor Jeannie.
“The Global FWN100™ awardees are not just leaders; they are visionaries who dare to reimagine the future. These women embody the spirit of innovation, resilience, and compassion that defines the Filipina on the world stage. Through their groundbreaking work in AI, technology, and beyond, they are not only shattering glass ceilings but are architecting entirely new leadership paradigms.” Pahayag ni Marily Mondejar, Founder and CEO of the Foundation for Filipina Women’s Network.
Bilang bahagi ng pagkilalang ito, nangangako si Sandoval ng isang two-year “Global Project” upang makinabang ang kababaihang Pilipina sa kanyang local community. Kasama sa inisyatibong ito ang femtoring sa susunod na henerasyon ng mga lider at pag-isponsor ng kanilang pagdalo sa mga susunod na Filipina Summit. (Richard Mesa)
-
Para sa isang awitin na “Ready”: STELL, super excited sa collaboration ng SB19 at ni Apl.de.Ap.
KAHIT na naging busy sa kanilang showbiz careers, naging matiyaga sa kanilang pag-aaral ang mga Kapuso stars na sina Lianne Valentin at Shaira Diaz. Kaya naman natapos nila ang kanilang kurso sa kolehiyo at certified graduates na sila. Sa kanyang Instagram, nag-share si Lianne ng ilang clip […]
-
Pondo para sa Manila Bay ‘white sand’ project hindi maaaring i-realign para sa pagtugon sa COVID-19 –Malakanyang
HINDI maaaring i-realign ng pamahalaan ang P389-milyong pondo na nakalaan para sa Manila Bay “white sand” project para sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque na nasimulan na ang Manila Bay white sand project kaya kinakailangan nang tapusin ito sa kabila ng kritisismo mula sa University of the […]
-
Umento sa suweldo ng mga guro inihirit
ISINUSULONG ni ACT Teachers Rep. France Castro ang karagdagang suweldo sa hanay ng mga guro na hangad nitong maisama sa mga prayoridad na panukalang batas sa ika -19th Congress. Sinabi ni Castro na napag-iwanan na ang suweldo ng mga guro kumpara sa mga nurse, pulis at militar pero tambak pa rin ang trabaho […]