• January 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pondo para sa Manila Bay ‘white sand’ project hindi maaaring i-realign para sa pagtugon sa COVID-19 –Malakanyang

HINDI maaaring i-realign ng pamahalaan ang P389-milyong pondo na nakalaan para sa Manila Bay “white sand” project para sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

 

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque na nasimulan na ang Manila Bay white sand project kaya kinakailangan nang tapusin ito sa kabila ng kritisismo mula sa University of the Philippines Marine Science Institute.

 

Sinabi kasi ng nasabing unibersidad na “expensive project” ang rehabilitasyon ng Manila Bay kung saan hindi naman daw marereSolba ang environmental problems dito (Manila Bay) kahit pa binigyan ng kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ilalim ng Bayanihan 2.

 

Giit ni Sec. Roque na tanging ang mga pondo para sa mga proyektong hindi pa naiimple- menta ang maaaring i-divert sa COVID-19 response.

 

“Nasimulan na po iyan eh, so kinakailangan tapusin na po iyan,” ayon kay Sec. Roque.

 

Binigyang diin ng kalihim, bahagi lamang ang white sand project sa buong programa ng pamahalaan para sa rehabilitasyon ng Manila Bay na ipinanukala noong nakalipas na dalawang taon at nabigyan ng pondo sa 2019 national budget.

 

“Iyong budget po kasi diyan, hindi lang siya budget actually for the beach nourishment, it’s actually for the entire program of government in rehabilitating Manila Bay. And as I said, itong project na ito was proposed two years ago, included in last year’s budget and only being imple- mented,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • NILAGDAAN ni Mayor John Rey Tiangco, kasama ang 15 mga estudyante at kanilang mga magulang ang isang memorandum of agreement, na nagbibigay ng scholarship sa mga mahuhusay na kabataang Navoteño na nagpakita ng kakaibang kakayahan sa sining.     Sila ang pinakabagong mga benepisyaryo ng NavotaAs Arts Scholarship Program para sa school year 2024-2025 na […]

  • AFP dedma sa panawagan na bawiin ang suporta kay PBBM

    DEDMA lang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa panawagan na bawiin ang suporta mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.     Para kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., wala itong saysay at maaari lamang mauwi sa posibleng “criminal investigation.”     “The AFP is standing steadfast in upholding the Constitution under the leadership […]

  • CHED: 126 unibersidad, nagpatupad ng academic break; 123 pa susunod na rin

    KABUUANG 126 unibersidad na sa bansa ang nagpatupad ng academic break simula nitong Ene­ro, kasunod nang panibagong surge ng COVID-19.     Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) chairperson Prospero de Vera III, may ilang unibersidad ang nagdeklara na ng academic break bago pa man itaas ang Alert Level 3 ng COVID-19 sa ilang […]