• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mayor Jeannie, namahagi ng tulong sa mga pamilya na naapektuhan ng Bagyong Kristine

BINISITA ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ang mga paaralan na nagsilbing evacuation centers upang mamahagi ng tulong na pagkain at food packs sa mga pamilya na naapektuhan ng pananalasa ng Severe Tropical Storm (STS) Kristine.

 

 

“Mayroon na naman po kinakaharap na bagyo hindi lang ang mga lungsod sa Metro Manila, kasama ang Malabon. Kahit na malakas ang ulan dito sa lungsod ay handa tayo na tumulong sa mga MalabueƱo, lalo na ang mga mangangailangang lumikas mula sa kanilang mga bahay. Handa tayo hindi lang habang may bagyo, kundi maging pagkatapos nito. Bukas ang ating tanggapan anumang oras. Sabay-sabay tayong aahon mula sa epekto ng kahit anong kalamidad,” ani Mayor Jeannie.

 

 

Ayon sa Malabon Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), may kabuuang 405 indiviuals o 101 pamilya ang pansamantalang sumisilong sa 10 evacuation centers.

 

 

Nauna rito, nagsagawa ang Malabon Emergency Response Team na binubuo ng iba’t ibang departamento ng Pre-disaster Risk Assessment meeting para paghandaan ang posibleng pagbaha dahil sa malakas na pag-ulan na dala ng STS Kristine.

 

 

Patuloy ding nagmomonitor ang Command and Communication Center ng MDRRMO sa iba’t ibang kalsada at mga ilog at nagdeploy din ng Libreng Sakay para tulungan ang stranded na mga commuter.

 

 

Tiniyak ng alkalde sa mga residenteng naapektuhan ng STS Kristine na ang pamahalaang lungsod ay patuloy na magbibigay ng tulong.

 

 

“Ang palagi po naming paalala ay ang ibayong pag-iingat ng lahat tuwing may kalamidad. Makipag-ugnayan sa ating lokal na pamahalaan kung kinakailangan at siguradong may tulong na darating lalong madaling panahon,” aniya. (Richard Mesa)

Other News
  • JENNYLYN, proud na proud sa ipinakita ang 26 weeks na baby bump

    NASA ika-26th week na nang kanyang pagbubuntis si Jennylyn Mercado kaya pinagmalaki nito ang kanyang baby bump sa social media.   Dahil pa-third trimester na si Jen, wala na raw itong cravings at puwede na siyang kumilos dahil matibay na ang kapit ng kanilang magiging baby girl ng mister na si Dennis Trillo.   Nagpapasalamat […]

  • DOH: Siling labuyo, hindi gamot sa dengue

    NILINAW ng Department of Health (DOH) na hindi gamot sa dengue ang siling labuyo.       Inihayag ito ng DOH matapos mag-viral ang isang social media post na nagsasabing ang siling labuyo ay mahusay na panlunas sa naturang karamdaman, na nakukuha sa kagat ng lamok.       Sa isang abiso, sinabi ng DOH […]

  • Warriors nakaganti sa Game 2 ng NBA Finals matapos ilampaso ang Boston Celtics, 107-88

    NAKAGANTI ngayon ang Golden State Warriors sa Game 2 ng NBA Finals matapos ilampaso ang Boston Celtics, 107-88.     Dahil dito tabla na ang serye sa tig-isang panalo.     Sa pagkakataong ito hindi na nagpabaya pa ang Warriors kung saan mula sa first quarter hanggang sa 4th quarter ay hindi na binitawan pa […]