• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mayor Magalong, nagbitiw bilang tracing czar

NAGBITIW na si Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang tracing czar kontra Covid-19.

 

Iyon nga lamang ay hindi tinanggap ng National Task Force against Covid 19 ang pagbibitiw ni Magalong.

 

Patuloy kasi ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque na nagtitiwala at kumpiyansa ang liderato ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 sa kanya.

 

“We confirm that Baguio City Mayor Benjamin Magalong tendered his resignation as the government’s Tracing Czar. Mayor Magalong’s resignation, however, has not been accepted. He continues to enjoy the trust and confidence of the leadership of the National Task Force against Covid 19,” pahayag ni Sec. Roque.

 

Nabatikos si Magalong matapos dumalo sa birthday party ng social media personality na si Tim Yap sa The Manor sa Camp John Hay sa Baguio City noong Enero 17.

 

Napansin ng mga netizens na hindi sumunod sa itinakdang health protocols kontra Covid -19 si Magalong pati na ang iba pang mga bisita sa birthday party.

 

Samantala, iginiit ng Malakanyang na wala kahit na anuman o kahit na sinuman ang pinapaboran ng pamahalaan sa pagpapatupad nito ng protocols para mapigil ang pagkalat ng COVID-19.

 

Ito’y kaugnay sa isang party na dinaluhan ng mga celebrities at opisyal ng pamahalaan.

 

Pinagpipiyestahan kasi ngayon sa social media ang mga retrato at video sa birthday party ng personalidad na si Tim Yap sa Baguio City, na ayon sa netizens ay “insensitive” at lumabag sa health protocols sa gitna ng pandemya.

 

Ayon kay Yap, inorganisa niya ang “dinner” para i-promote ang local tourism ng Baguio City.

 

“Pagdating sa pagpapatupad ng protocols, wala po tayong kinikilala—mayaman, mahirap, lalaki, babae, kung ano mang kasarinlan (sic),” ayon kay Sec. Roque.

 

“Hayaan na po natin na umusad ang proseso. Buo po ang tiwala ni Presidente kay Mayor Magalong, buo po ang kaniyang respeto kay Mayor Magalong. The personal liability depends kung mayroon siyang personal na ginawa. Mere attendance is not actionable. Siya ba’y nag-observe ng social distancing, siya ba ay naka-mask? So kung ganoon naman, wala siyang liability,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • Mas mataas na bilang ng dadalo sa SONA, inaasahan

    Tinataya ni House Secretary General Reginald Velasco, sa isinagawang press briefing nitong Martes, na ang attendance sa State of the Nation Address (SONA) ngayon taon ay pinakamalaki base sa ginawang kumpirmasyon na natanggap ng kanyang tanggapan mula sa ma imbitadong bisita. “We may be opening some viewing rooms for the additional guests kasi overwhelming yung […]

  • PDu30 kinampihan si Duque sa Pfizer vaccine deal

    PINAGPAPALIWANAG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Health Secretary Francisco Duque III hinggil sa  sinasabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na “somebody who drop the ball” kaya hindi natuloy ang kasunduan ng Pilipinas sa Pfizer COVID-19 vaccine manufacturer na dapat sana ay Enero ng susunod na taon ay maidedeliver na ang bakuna.   […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 17) Story by Geraldine Monzon

    SA WAKAS ay nakuha na rin ni Bernard si Angela mula sa kamay ni Roden. Abot hanggang langit ang pasasalamat niya sa pagbabalik ni Angela sa kanyang buhay. Umaasa siyang hindi na ito muling mawawala pa sa kanya.   Habang si Cecilia ay umaasa sa pag-ibig na umuusbong sa puso niya para kay Bernard. Matiyaga […]