• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mayor Rex nabakunahan na kontra COVID-19

Natanggap na ni Valenzuela City Mayor REX Gatchalian ang kanyang unang dose ng bakuna kontra COVID-19 na ginanap sa People’s Park Amphitheater ng lungsod.

 

 

Ang National Capital Region (NCR) ay nasa ilalim ng critical o high-risk na lugar kung kaya’t ang mga mayors at mga governors ay classified na sa ilalim ng A1 o ang unang priority group na makatanggap ng COVID-19 vaccine, pa-unawa na ang mga local chief executives ay itinuturing na essential frontliners na inihayag ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).

 

 

“Matagal niyo na naririnig na lahat tayo maging bahagi ng solusyon laban sa COVID-19… Bilang indibidwal eto ‘yung contribution niyo sa paglaban sa COVID-19. Katulad ko… Ang ginamit ko na bakuna ay Sinovac, wala naman akong nararamdaman na hindi maganda. Normal na normal. So huwag tayong matakot,” sinabi ni Mayor REX matapos matanggap ang kanyang unang dose ng Sinovac.

 

 

“Basta FDA approved ang bakuna, it doesn’t matter which brand you use. Ang importante magpabakuna tayo,” dagdag niya.

 

 

Noong Marso 31, ang bilang ng mga eligible frontline health workers na nakatanggap ng bakuna sa COVID-19 mula sa Department of Health (DOH) ay nasa 4,571, na may 3,886 na indibidwal sa unang dosis na umabot sa 85%, at 49 indibidwal naman ang nakumpleto na ng pangalawang dosis ng bakuna.

 

 

As of April 7, Valenzuela City records 1,006 active COVID-19 cases Total of confirmed cases in the City are at 13,883 with 12,537 recoveries and 340 deaths.

 

 

Muling nagpaalala sa lahat si Mayor Rex na magparehestro sa www.valtrace.appcase.net, na ang pagpabakuna ay isang simula tungo sa isang ligats na komumidad. “Ang panawagan ko sa inyo — Huwag na tayo magalinlangan, magpabakuna na tayo. Para sa kaligtasan niyo ito, ng inyong pamilya, at ng sambayanang Valenzuelano.” (Richard Mesa)

Other News
  • MIYEMBRO NG BANUNG DRUG GROUP, ARESTADO

    ARESTADO ng Manila Police District  (MPD)-Police Station 6 ang isang miyembro ng Banung Drug Group sa isinagawang buy bust operation, kamakalawa  sa may panulukan ng Pasig Line St.,  at  A. Francisco St., Brgy. 777 Zone 83, San Andres Bukid Maynila. Narekober  ng mga pulis sa suspek na si Hans Kerwin Pama, alyas Kerwang, ang may 12 […]

  • Tambalang Sara-Go sa Eleksyon 2022, binuking ni PDu30

    IBINUKING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang napipintong pagtatambal nina Davao City Mayor Sara Duterte at Senator Christopher “Bong” Go para sa dalawang “top government posts” sa May 9, 2022 elections.   Kinumpirma mismo ni Pangulong Duterte sa isang ambush interview sa labas ng Sofitel Hotel sa Pasay City, araw ng Sabado ang bagay na […]

  • Batangas, Pampanga may pagsipa sa COVID-19 cases kahit nasa labas ng ‘bubble’: OCTA

    Nababahala ang independent group na OCTA Research sa tumataas ding kaso ng coronavirus (COVID-19) sa mga lugar na nasa labas ng tinaguriang NCR (National Capital Region) Plus bubble.     Kabilang na rito ang mga lalawigan ng Pampanga at Batangas.     Batay sa pinakabagong report ng OCTA, tumaas ng 141% o 150 ang bilang […]