• April 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mayor Tiangco: Covid-free pa rin ang Navotas

SA kabila ng mga tsismis na naglipana online, tiniyak ni Mayor Toby Tiangco sa mga residente ng Navotas na wala pa ring kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID19) sa lungsod.

 

Nilinaw ni Tiangco na ang lungsod ay may 13 na persons under monitoring (PUM) sa ngayon, 11 March, at lahat sila ay sumasailalim sa self-quarantine at regular na binibisita ng mga kawani ng City Health Office at Barangay Health Emergency Response Teams (BHERT).

 

“Sa ngayon, may 13 na PUM sa Navotas pero nananatili itong COVID-free. Ang mga PUM ay may travel history sa lugar na may kumpirmadong kaso ng COVID19 o history of exposure sa nasabing sakit. Hindi sila nakikitaan ng palatandaan at sintomas ng sakit at sila ay isinasailalim sa self-quarantine,” paliwanag niya.

 

Ang mga persons under investigation (PUI) naman ay kapareho ng deskripsyon ng PUM ngunit sila ay may palatandaan at sintomas ng COVID19. Ina-admit sila sa ospital para sumailalim sa mas maraming test.

 

Sinabi rin ng alkalde na masugid na hinahanap ng Navotas Inter-Agency Task Force on COVID-19 ang mga residenteng maaaring apektado ng nasabing sakit.

 

Pinaalalahanan niya ang mga Navoteños na maaari silang tumawag sa 8281-1111 para mag-report o magtanong tungkol sa COVID19.

 

Umapela rin si Tiangco sa publiko na isagawa ang social distancing na ipinayo ng Department of Health para malimitahan ang pagkakataon na magkaroon ng close contact ang mga tao sa isa’t isa. Kabilang dito ang pag-iwas sa pakikipagkamay, pagyakap o pagpunta sa matataong lugar o aktibidad.

 

“Sinuspinde ni Pangulong Duterte ang mga klase hanggang March 14 bilang preventive measure para mapanatiling ligtas ang mga estudyante sa COVID19. Sa pagkansela ng klase at pagpapanatili sa kanila sa bahay, nalilimitahan ang pagkakataon na makikihalubilo sila sa iba at nababawasan ang panganib na mahawaan o mapalaganap nila ang sakit,” aniya.

 

Hinikayat din ng alkalde ang mga Navoteño na parating maghugas ng kamay sa loob ng 20 segundo, sundin ang tamang paraan ng pag-ubo o pagbahing, lumayo sa mga may sakit, at iwasan ang matataong lugar. (Richard Mesa)

Other News
  • KAYA SCODELARIO, THE NEW KICK-ASS PROTAGONIST IN “RESIDENT EVIL: WELCOME TO RACCOON CITY”

    BRITISH actress Kaya Scodelario (The Maze Runner franchise, Pirates of the Caribbean: Salazar’s Revenge, and alligator thriller Crawl) stars as Claire Redfield, the street-smart, sassy, kickass protagonist of Columbia Pictures’ action horror Resident Evil: Welcome to Raccoon City (in Philippine cinemas Dec. 15).       [Watch the film’s Nightmare Trailer at https://youtu.be/Qu9IgB0yG6k]       “I’d grown up with her, watching her […]

  • World champ sprinter Coleman iaapela ang 2-year ban

    IAAPELA umano ni world champion sprinter Christian Coleman ang ipinataw sa kanyang two- year ban sa athletics bunsod ng anti-doping violations, ayon sa kanyang manager.   “The decision of the Disciplinary Tribunal established under World Athletics Rules is unfortunate and will be immediately appealed to the Court of Arbitration for Sport,” ani Emanuel Hudson.   […]

  • Buwanang fuel subsidy sa mga mangingisda

    ISINUSULONG  sa Kamara ang pagbibigay ng fuel subsidy sa mga municipal fisherfolk sa pamamagitan ng fuel voucher na hindi bababa sa P1,000 kada buwan.     Sa ilalim ng House Bill 8007 o “Pantawid Pambangka Act of 2023”, ang Department of Agriculture ay may mandating mangasiwa ng buwanang subsidy program.     Sa kabila na […]