Mayor Tiangco nagpasalamat sa DENR, San Miguel Corp. sa sustainable dredging program
- Published on February 27, 2020
- by @peoplesbalita
NAGPASALAMAT si Mayor Toby Tiangco sa Department of Environment and Natural Resources at sa San Miguel Corp. sa pagsisimula nito ng sustenableng programa sa dredging.
“Kailangan natin ang sustainable dredging program para masiguro na ang tagumpay na makakamit natin dito ay pangmatagalan at matatamasa ng mga susunod na henerasyon,” aniya sa kanyang talumpati sa opisyal na paglulunsad ng dredging ng Tullahan-Tinajeros river system.
Sinabi ng alkalde na patuloy na naiipon ang mga silt at sediment, pati na ang mga basura, sa ilalim ng mga ilog at iba pang anyong-tubig pero hindi ito regular na natatanggal.
“Dati, hindi parating nakakapagsagawa ng dredging dahil sa kawalan ng pondo. Kaya natutuwa tayo na may partnership ang DENR at ang San Miguel Corp., na nangakong magbibigay ng P1 billion, para sa proyektong ito,” dagdag niya.
Iniutos din ni Tiangco sa mga punong barangay na mahigpit na ipatupad ang anti-littering ordinance ng lungsod.
“Mababalewala ang dredging kung hahayaan natin ang ating mga mamamayan na magtapon ng basura kung saan-saan. Ang disiplina at mahigpit na pagpapatupad ay mahalaga rin para magtagumpay tayo sa ating kampanya na linisin ang ating katubigan,” diin niya.
Ang dredging ng 36.4-kilometrong Tullahan-Tinajeros river system ay bahagi ng kampanya na linisin at ayusin ang marine ecosystem ng Manila Bay.
Ang river system na ito ay mula sa La Mesa Dam sa Quezon City hanggang sa Centennial Park ng Navotas.
Ang SMC ang magsasagawa ng proyekto katuwang ang DENR na parehong pinangunahan nina SMC President and Chief Operating Officer, Ramon S. Ang, at DENR Secretary, Roy A. Cimatu ang paglulunsad ng dredging activities.
Maliban kay Tiangco, dumalo din sina Vice Mayor Clint Geronimo, mga konsehal at department heads, mga punong barangay, Malabon City Mayor, Antolin A. Oreta III, at DENR Usec Benny D. Antiporda. (Richard Mesa)
-
NLEX nakuha ang unang panalo matapos ilampaso ang NorthPort 102-88
NAITALA ng NLEX Road Warriors ang unang panalo matapos tambakan ang NorthPort 102-88 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup. Naging bida sa panalo si Kiefer Ravena na nagtala ng 25 points, limang rebounds at apat na as- sists sa laro na ginanap sa AUF Sports and Cultural Center sa Angeles, Pampanga. Nag-ambag naman […]
-
IATF, bukas sa mungkahing gawin ng 80 to 100% ang mga manggagawang nasa isang workplace
BUKAS ang Inter-Agency Task Force sa naging panukala ni Presidential Adviser Joey Concepcion na dagdagan na ang capacity sa mga work place. Ito’y kapag 80% porsiyento na ng isang establisimyento ang nabigyan na ng bakuna laban sa COVID-19. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, wala pang natatalakay na ganitong usapin sa IATF pero […]
-
JOHN, nagsabing pagbigyan sina DEREK at ELLEN kung happy sila together
NATANONG si John Estrada tungkol sa katambal niyang si Ellen Adarna sa isang sitcom na gagawin nila, ang John en Ellen sa TV5 at sa best friend niyang si Derek Ramsay na diumano ay nagkakamabutihan na ngayon ang dalawa. “Derek is like a brother to me. Kilala ko siya, he is not playboy,” sagot […]