• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mayor Tiangco positibo sa Covid-19

000MALUNGKOT na ibinalita ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na positibo siya sa COVId-19 base sa kanyang RT-PCR test.

 

 

Humihingi ng paumanhin ang alkalde sa lahat ng kanyang nakaharap noong nakaraang mga araw at nakikiusap na obserbahan nang mabuti ang kanilang kalusugan.

 

 

Payo pa niya sa kanyang mga nakasalamuha, kung meron silang nararamdamang kakaiba, sumangguni kaagad sa doctor.

 

 

“Dahil sa aking pagiging immuno-compromised at dahil sa aking severe asthma, madalas po akong mag-self antigen test. Kahapon negative po ang antigen ko, pero kaninang tanghali ay nagpositive ako kaya agad po akong nagpa-RT-PCR test”, pahayag ni Mayor Tiangco.

 

 

“Bilang COVID patient, sasailalim po ako sa 14-days isolation ngunit  hanggang makakaya, gagampanan ko pa rin po ang tungkulin nating i-monitor at pangunahan ang ating COVID response at iba pang responsibilidad bilang Mayor”. dagdag niya.

 

 

Muli din siyang nakiusap sa lahat na maging doble o triple sa pag-iingat, gawin ang health at safety protocols, at magpabakuna o booster. (Richard Mesa)

Other News
  • Tiamzon mamumudmod ng mga bola’t net sa LuzVi

    MAMAMAHAGI ng bola at net ng volleyball bilang Pamasko  niya sa mga kabatan si Premier Volleyball League (PVL) star Nicole Anne Tiamzon sa ilang sa Luzon at Visayas.   Ito na ang huling proyekto ngayong taon ng ‘YSK Outreach ng Spike and Serve Philippines Incorporated’ na pinamumunuan mismo ng dalagang balibolista   Kaya nanawagan pa […]

  • KRIS at BIMBY, nagpaalam na kay JOSH dahil sa Tarlac talaga gustong tumira; magkapatid, nagkaroon ng mahabang tampuhan

    NAGPAALAM na ang mag-inang Kris Aquino at Bimby kay Josh.     Hindi na nga sila magkakasamang tatlo sa isang bahay dahil mas gusto na talaga ni Josh na sa Tarlac manirahan.   Nag-goodbye na sila kay Josh noong Miyerkules at iniwan na ‘to sa Tarlac. Birthday ni Josh sa June 4, so ewan lang […]

  • MGA MAY NAIS MABAKUNAHAN NG COVID-19 VACCINE SA MM MABABA AYON SA DILG

    LUMABAS na mababa at nasa  20% hanggang 30% lamang ng mga residente ng Metro Manila ang may gusto na magpabakuna  laban sa COVID-19 batay sa isang survey ng Department of Interior and Local Government (DILG).     Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III. Lubhang mababa ito mula sa 80 porsyentong target ng kanilang ahensya.     […]