• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Volunteers, education grads, maaaring tumulong sa self-learning ng mga mag-aaral – DepEd

Kinokonsidera ng Department of Education ang paghingi ng tulong sa mga volunteer at education graduates upang suportahan ang paghahatid ng quality education sa gitna ng coronavirus pandemic.

 

Ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, bagamat naniniwala silang malaki ang papel na gagampanan ng mga magulan sa edukasyon ng kanilang mga anak sa ilalim ng new normal, marami pa aniya ang bukas na tumulong.

 

“Gagamit tayo ng mga volunteers, mga education graduates or teacher applicants, or licensed teachers na wala pang trabaho na willing maging bahagi sa pagpapatuto sa mga bata habang sila ay nag-aaral sa mga bahay,” saad ni San Antonio sa isang panayam.

 

“May mga local governments, siempre hindi naman lahat, na nagsabi na okay silang magbigay ng honorarium para kaunting financial na benepisyo rin sa mga tutulong doon sa mga pamilya na ang magulang ay nagtatrabaho o walang kakayahang magbigay ng gabay sa pag-aaral ng kanilang mga anak.”

 

Nilinaw ni San Antonio na in-charge ang schools division offices sa pakikipagtulungan ng local government units sa pag-recruit ng mga volunteer sa lugar kung saan sila kakailanganin.

 

“Schools are expected to coordinate with LGUs in recruiting volunteer home learning facilitators who are preferably college or education graduates, and willing to undertake an orientation,” ayon kay San Antonio sa isang text message.

 

“When they visit homes, they are expected to observe the health protocols on social distancing and wearing of masks.”

 

Tumalima ang Department of Education sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang face-to-face classes hanggat wala pang bakuna para sa COVID-19.

 

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, handa ang ahensya na tanggapin ang hamon sa pag-aalok ng alternatibo sa physical classes, kagaya ng online at “blended” learning.

 

“Pero alam natin na limited ‘yung reach so makikipag coordinate din po tayo sa ibang private commercial stations,” ani San Antonio.

 

“Meron ding proposal ang ibang mga paaralan na pwede silang mag-operate ng sariling radio stations, ang hinihingi sila sa DepEd ay suporta para mapabilis ang proseso na magkaroon sila ng permisyo sa mga angkop na ahensiya ng pamahalaan.”

 

Naunang inilabas ng DepEd ang school calendar kung saan magsisimula ang klase sa Agosto 24 at inaasahang matatapos sa Abril 2021. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Abueva out pa rin sa PBA, misis nagngitngit sa galit sa socmed

    HINDI pa rin makababalik sa hardcourt si Calvin ‘The Beast’ Abueva ng Phoenix Pulse para sa 45th Philipine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 na papailanlang sa darating na Marso 8.   Ayon kay PBA Commissioner Wilfrido ‘Willie’ Marcial, may mga dapat pang tapusing gawin ang basketbolista para tuluyang ma-lift ang kanyang suspension sa pro […]

  • Myla Pablo lumipat na sa F2 Logistics

    Si Myla Pablo ay lumipat mula sa Petro Gazz sa F2 Logistics.     Ginawa ng ahente ni Pablo na Virtual Playground ang anunsyo noong Biyernes.     Ayon kay Pablo, ang paglipat sa Cargo Movers ay isang bagay na kailangan niya para sa kanyang personal na paglaki.     “This coming year, papasok ako […]

  • Lock-in shooting nila ni ALDEN, naudlot na naman: BEA, may gagawin ding American movie na isu-shoot sa Panay Island

    NAG-RELEASE na ng official statement ang actor na si Diether Ocampo tungkol sa aksidente niya last February 3, 2022.     Ayon kay Diether, “I had a long and exhausting meeting which lasted until almost midnight.  As I was driving home, I figured in a vehicular accident involving my SUV and a truck.     […]