Mayor Tiangco sa mga mangingisda: Karagatan ng Navotas, panatilihing malinis
- Published on March 3, 2020
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN si Navotas City Mayor Toby Tiangco sa lokal na mga mangingisda sa lungsod na panatilihing malinis ang karagatan ng Navotas kasunod ng pagkakapasa ng Pamahalaang Lungsod sa Assessment of Compliance para sa Manila Bay clean-up.
“Ang pangingisda ang aming pangunahing mapagkukunan ng kita at bilang isang pamayanan ng pangingisda, dapat nating bigyan ng kahalagahan ang kalusugan, kalinisan at kalagayan ng ating mga ilog at dagat,” pahayag ni Mayor Tiangco.
Kamakailan, nakatanggap ang Navotas City ng 94.2 na marka sa 2019 Assessment of Compliance of Local Government Units to the Manila Bay Clean-up, Rehabilitation, and Preservation Program (MBCRPP).
Ang Navotas ay kasama sa top five na mga LGU na nagtaguyod ng Supreme Court mandamus na nag-uutos sa mga ahensya ng gobyerno na linisin, ayusin at ipreserba ang Manila Bay at ibalik ang water quality nito para pwede ng paglanguyan o gamitin sa contact recreation.
“Mayroon kaming mga patakaran at programa na naglalayong mapanatili ang kalinisan ng aming mga ilog at dagat at ibalik ang mga ito sa kanilang kalidad ng tubig sa paglangoy,” sabi ni Tiangco. “Ngunit kailangan namin ng suporta mula sa iyo upang makamit ang mga hangarin na ito.”
Noong 2019, nakakolekta ang Navotas ng 2.2 milyon kilos na mga basura sa isinagawang Battle for Manila Bay clean-up drive. (Richard Mesa)
-
PBBM, nanguna sa PFP General Assembly, National Convention
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtitipon ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa kanilang General Assembly and National Convention sa Diamond Hotel Manila, araw ng Lunes, bahagi ito ng pag-buwelo at paghahanda ng political party para sa mid-term election sa susunod na taon. “I’m very glad that we can see that […]
-
‘Wag ka na matakot! Casimero kay Donaire…
Ayaw tantanan ni reigning World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimero si World Boxing Council (WBC) bantamweight king Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr. Sinabi ni Casimero na natatakot lamang si Donaire sa kanya kaya’t ayaw nitong kumasa sa hamon para sa isang unification fight. “Takot lang siya sa […]
-
Gilas Pilipinas nag start ng mag practice
Walang sinasayang na panahon si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na simulan ang ensayo nila kahit wala pang mga pangunahing manlalaro nila. Ang nasabing ensayo ay bilang paghahanda ng ika-anim at huling window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na gaganapin sa Pebrero sa bansa. Ayon kay Reyes na ginamit na lamang nito […]