Mayoral bet Sara Discaya patuloy ang ayuda sa Pasigueño
- Published on December 7, 2024
- by @peoplesbalita
LIBRENG concert at tuluy-tuloy na ayuda ang handog ng Mayoral bet ng Pasig City na si Sara Discaya sa mga maralitang Pasigueños.
Tugon ito ni Discaya sa umano kampo ng kanyang makakalaban sa election matapos na tukuyin siyang nasa likod ng mga mapanirang balita laban kay Pasig City Mayor Vico Sotto.
“Wala kaming kinalaman at lalong wala kaming panahon sa mga isyung negatibo na ipinahihiwatig ng butihing alkalde na gawa namin… kasi abala kami sa pagbigay ng tulong sa kapus-palad nating kababayan… at kung paano natin sila mapasaya nitong Kapaskuhan,” ani Discaya.
Ani Discaya, kailanman ay hindi siya namigay ng milyong piso para manira ng kapwa at sa halip ay itinutulong na lamang niya sa mga taga-Pasig.
Hindi umano dapat na ikagalit ng alkalde ang pamimigay niya ng ayuda at tulong sa Pasigueño dahil iisa lamang ang kanilang hangarin na makapaglingkod.
Ani Discaya, kailanman ay hindi siya namigay ng milyong piso para manira ng kapwa at sa halip ay itinutulong na lamang niya sa mga taga-Pasig.
Hindi umano dapat na ikagalit ng alkalde ang pamimigay niya ng ayuda at tulong sa Pasigueño dahil iisa lamang ang kanilang hangarin na makapaglingkod.
Sa tala ng St. Gerrard Charity Foundation, libu-libong mga Pasigueño na ang nabiyayaan ng iba’t ibang ayuda gaya ng chairs, tables, kilo-kilong bigas at palugaw ng Kusina ni Ate Sarah bukod pa sa medical checkup, mga gamot at wheel chair. (ARA)
-
Wanted na rapist, nadakma sa Caloocan
KALABOSO ang isang lalaki na wanted sa kaso ng panggagahasa sa isang menor-de-edad na babae matapos madaki sa ginawang manhunt operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Tinugis ng pinagsanib na mga tauhan ng Sub-Station 13 ng Caloocan Police, Warrant and Subpoena Section (WSS), at Batasan Sub-Station 6 ng Quezon City […]
-
Mas mabigat na parusa sa mga law enforcers na sangkot sa pagtatakip sa krimen, isinulong
ISINUSULONG ng isang mambabatas ang panukalang pagataw ng mas mabigat na parusa sa law enforcers at ibang persons in authority na sangkot sa pagtatakip o paggalaw sa ebidensiya sa mga kaso na may kaugnayan sa drugs at iba ang heinous crimes. Sa panukala ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan, nais nitong […]
-
ANGEL at BEA, na-try na mag-cheat sa exam, skinny dipping at mag-watch ng porn
SOBRANG nakakaaliw ang naging confessions nina Angel Locsin at Bea Alonzo nang laruin nila ang sikat sa online na “Never Have I Ever” challenge. Isa nga sa pinag-uusapan sa latest YT vlog ni Bea ang tanong na “tried activity or sport just to please my partner”. “I have” ang pag-amin ni […]