• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mayorya ng mga Pinoy naniniwalang importanteng pondohan ang family planning

HALOS siyam sa 10 Filipino adults ang naniniwala na importanteng paglaanan ng gobyerno ng sapag na pondo ang modern methods ng family planning.

 

 

Batay sa lumabas na March 2022 Pulse Asia Survey, 88% ng respondents ang naniniwala na dapat maglaan ang pamahalaan ng pondo para sa modernong pamamaraan ng family planning, tulad ng pills, IUD, ligation, condom, at vasectomy.

 

 

Mayorya ng respondents ay mula sa iba’t ibang lugar at socio-economic classes, partikular na sa Metro Manila (60%), Visayas (55%), Mindanao (63%), at socioeconomic classes (53% – 61%) ang kumukunsidera sa paglalaan ng pondo para sa family planning ay “very important.”

 

 

Ang sentimyento na ito ng publiko ay halos hindi nagbago simula February 2016 at March 2022, base sa iba’t ibang survey sa national level at subgroupings.

 

 

Sa pinakahuling survey, halos 97%-99% ng respondents mula Cordillera Administrative Region, Eastern Visayas (Region 8), Davao Region (Region 11), at Caraga Region (Region 13), at miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) at Warays ay naniniwalang importante ang public funding para sa family planning.

 

 

“The results of this survey confirm our call on the government for adequate funding for modern family planning should be among the top priorities when it comes to crafting the national budget. We need to ensure that the government is able to support the choices of Filipino women and couples, particularly during the pandemic, when many are choosing to delay childbearing because of uncertainties in our current situation,” pahayag ni Romeo Dongeto, executive director ng Philippine Legislators’ Committee on Population and Development (PLCPD).  (ARA ROMERO)

Other News
  • 487K AstraZeneca vaccines darating sa Pinas

    Darating sa Pilipinas ang 487,200 bakuna mula sa AstraZeneca.     Ito ang inanunsiyo ni Sen. Bong Go na sinabing sasalubungin nila ito (Marso 4, Huwebs) ni Pangulong Rodrigo Duterte dakong alas-7 ng gabi sa Villamor Airbase.     Ang nasabing bakuna ay mula sa COVAX facility.     “This is to confirm that the initial […]

  • Inamin na may bago nang inspirasyon: Mensahe ni TOM kay CARLA: “I really wish her well”

    MAY mensahe si Tom Rodriguez sa dati niyang asawa na si Carla Abellana.     Sa recent na guesting kasi ni Tom sa ‘Fast Talk With Boy Abunda’ ay tinanong ni Kuya Boy si Tom kung ano ang ipinagdarasal niya para kay Carla.     “I really wish her well.     “Everyone of us […]

  • Kapag natuloy na ang paglipat sa GMA: ENRIQUE, balitang si MARIAN ang unang makatatambal

    DUE to insistent public demand, extended na ang historical fantasy portal series na “Maria Clara at Ibarra” ng GMA Network.       “Dinggin ninyo kami #MCIExtend,” pakiusap  ng mga netizens and fans ng serye.     Narinig naman ito ng GMA Entertainment Group at ng production team ng serye ang hiling ng mga manonood, kaya […]