MCCOY, nag-post nang nakaka-touch na mensahe para kina ELISSE at FELIZE
- Published on November 4, 2021
- by @peoplesbalita
NAKAKA-TOUCH ang mensahe na pinost ni McCoy de Leon sa Instagram para sa kanyang mag-ina na sina Elisse Joson at Felize.
Panimula ni McCoy, “Binigay ka ng Diyos hindi lang isang regalo, binigay ka rin niya dahil binigyan mo kami ng pag–asa ng nanay mo. Nagtuloy tuloy ang pagsasamahan namin dahil sa ‘yo, kasi alam naming ikaw ang magiging dahilan kaya kami nabubuhay sa mundong ito. “Walang hanggang kasiyahan ang binibigay mo sa amin. Simula nung nakita namin hanggang ngayon. Bawat ngiti mo nawawala lahat ng pangangamba namin. Aamin ko natatakot ako sa minsang magulong mundong ito, pero kahit anong mangyari poprotektahan kita hanggat buhay ako.
“Mamahalin kita nang higit pa sa sarili ko. At ngayon masayang masaya kami ng nanay mo na ipagmalaki ka sa buong mundo.”
Sa pagpapatuloy niya, “Para naman sa ina ng anak ko, maaring marami tayong pinagdaan simula noon hanggang nandito pa rin tayo. Nagmamahalan ng lubos, sumusugal sa lahat ng maaring mangyari at tinaggap ang bawat isa lalo na ako…kaya salamat Elisse ko.
“At sa aking mag ina, Hindi man ako perpekto bilang ama o asawa pero gagawin kong perpekto ang pagmamahal ko para sa inyo. Pinangako ko sa Diyos ito at mangangako hanggang sa huli. Mahal na mahal na mahal ko kayo Elisse at Felize.”
Tuwang-tuwa naman ang celebrity friends nina McCoy at Elisse sa kanilang sobrang cute na baby girl, kaya umapaw ang mga nagko-congratulate sa showbiz couple.
Kahit na ang netizens ay aliw na aliw rin sa pinost ni photos ni Elisse, pati na mensaheng ito ni McCoy.
Say nila, “Carbon copy masyado ni Mccoy ang baby nila.
“Ang ganda ng baby nila, hawig din niya si Mithi yung anak Carlo Aquino na super cute din na baby. Sarap nila titigan super cuties!”
“Ang cute cute, di ako fan ng mclisse pero binabalik balikan ko yung photo ni baby sa mga fan accts nila sa ig haha cant get enough huhu kakagigil.”
“Grabe ang gandang baby sarap titigan.”
“Cute and happy family! May God continue to bless them.”
“Awww. This kind of message. Iba talaga and vibes pag tagalog kesa english. Idk, mas may hatak at sincere for me.”
“Sana maging maganda ang marriage and parenting nila. Mccoy is consistently known as a kind and responsible person based sa mga nakakatrabaho so sana magtuloy tuloy. Wag sanang masayang ang 2nd chance.”
“Lakas makababae ng ganitong pasulat. Lalo na pag ikaw lang makakabasa hay penge nga.”
“Oo nga e sabi ko nga kay Elisse saan makakahanap ng McCoy haha.”
“Awww happy for them and their little family. Ang ganda ng baby.”
“Happy for Mccoy, Elisse and Felize.”
“Happy for both of them. Sana maging ok din business and career para kay baby. Sana di din matulad sa ibang celebrity couple na sa hiwalayan din nauuwi, kawawa ang bata eh.”
(ROHN ROMULO)
-
BBM, Comelec pinasasagot ng SC sa DQ case
PINASASAGOT ng Supreme Court (SC) ang kampo ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang Commission on Elections (Comelec) ukol sa iniakyat sa kanilang disqualification case laban sa una. Bukod sa kanila, pinasasagot din ng SC ang Senado at ang House of Representatives, na isinampa sa petisyon na isinumite nina Fr. Christian […]
-
Panibagong batch ng 1-M Sinovac vaccine, dumating na sa bansa
Nasa Pilipinas na ang karagdagang batch ng one million doses ng Sinovac vaccines na dumating bandang alas-7:36 nitong Linggo ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3. Lulan ng isang Cebu Pacific flight, sinalubong ito ng vaccine czar na si Carlito Galvez gayundin ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque at ilang […]
-
BACK IN THE DIRECTOR’S CHAIR: WHY BEN AFFLECK IS THE BEST PERSON TO BE AT THE HELM OF “AIR”
FOR Ben Affleck, an avid sports fan, directing “AIR” was an honor. The film, which opens in cinemas April 19, features a topic that’s very dear to him, boasts an excellent cast, and has a passionate and creative team behind the scenes. Plus, he got to work directly with the Greatest of All Time, Michael […]