• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘McGregor, nais kong unahin sa 2021 ring comeback’ – Pacquiao

Inamin ni Pinoy ring icon Sen. Manny Pacquiao na si UFC superstar Conor McGregor ang una nitong gustong makalaban sa oras na magbalik na ito sa boxing ring sa susunod na taon.

 

Ayon kay Pacquiao, nais niya raw maranasan na makaharap sa ibabaw ng boxing ring ang isang MMA fighter.

 

Nilinaw naman ng Fighting Senator na hindi ito namimili ng nais nitong makatunggali dahil ang mahalaga aniya ay parehas sila ng timbang.

 

Maliban kay McGregor, sinabi ni Pacquiao na kabilang din sa mga prayoridad sina pound-for-pound king Terence Crawford at unified champion Errol Spence Jr.

 

Una nang sinabi ni Pacquiao na asam nitong magkaroon ng isa hanggang dalawang boxing fights sa 2021.

 

Kung maaalala, huling tumuntong si Pacquiao sa boxing ring noon pang Hulyo 2019 kung saan kanyang inagaw ang WBA welterweight title mula sa dating walang talo na si Keith Thurman.

Other News
  • Stars of “The Secrets of Dumbledore” Cast a Spell at the World Premiere in London

    THE cast and filmmakers came together March 30 (Manila Time) for the world premiere of Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore at the Royal Festival Hall in London.     Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore world premiere at The Royal Festival Hall on March 29, 2022 in London, England.   Led by stars Jude […]

  • Sesyon nina Velasco tinawag na ‘peke, circus’ ni Cayetano

    LABIS na panglalapastangan umano hindi lamang sa House rules kundi maging sa Saligang Batas ang ginawang sesyon ng kampo ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco para palitan ang liderato ng Kamara.   Ayon kay Speaker Alan Peter Cayetano, nilabag din daw ng mga kaalyado ni Velasco ang safety protocols na inilatag ng Inter-Agency Task Force […]

  • Obiena mas lalong ginanahan

    INAASAHANG  mas lalo pang magsisikap si World No. 3 pole vaulter Ernest John Obiena para magtagumpay sa mga lalahukang international tournaments.     Ito ay matapos siyang tumanggap ng P300,000 mula kay Manila City Ma­yor Honey Lacuna-Pangan kahapon para sa gastusin sa mga sasalihan niyang mga torneo.     Nakatakdang bumalik ang Southeast Asian Games […]