• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MECQ ‘dapat i-extend pa ng hanggang 2 linggo’ sa NCR Plus, sabi ng DOH

Kung ang Department of Health (DOH) ang tatanungin, dapat pang ipalawig ang ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa rehiyon ng NCR Plus dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.

 

 

Sakop ng NCR Plus — na nasa MECQ sa ngayon — ang National Capital Region, Rizal, Cavite, Laguna at Bulacan.

 

 

“Kung titingnan natin ang datos, tingin ko talagang kinakailangan ipagpatuloy ang MECQ for another week or two dahil nga ‘yung ating health system capacity, hindi masyadong nag-iimprove pa sa ngayon,” ani Health Secretary Francisco Duque III, Lunes sa panayam ng dzMM Teleradyo.

 

 

“Patuloy pa ring may ilang syudad ang may critical risk classification ang kanilang ICU capacity.”

 

 

Sa ilalim ng MECQ, mas maraming sektor na ang pinapayagang mag-operate kumpara sa enhanced community quarantine. Sa kabila niyan, hinihikayat pa rin ang work from home at iba pang flexible work arrangements. Piinapayagan ang mga pagtitipon-tipon ngunit hanggang 10% venue capacity lang ang pwede.

 

 

Lalagpas ng 1 milyong COVID-19 cases ang Pilipinas ngayong araw kung magtutuloy-tuloy ang nasa 8,791 na average new cases sa nakaraang pitong araw. Kasalukuyan itong nasa 997,523, ayon sa datos ng DOH nitong Linggo.

 

 

Kanina lang nang sabihin ni Dr. Tony Leachon, dating special adviser ng national Task Force Against COVID-19, na dapat nang i-ban ng Pilipinas ang direct flights galing sa bansang India dahil na rin sa bagong B.1.6.17 COVID-19 variant na nananalasa roon.

 

 

India pa rin ang ikalawang may pinakamataas na COVID-19 cases sa buong mundo ngayon ayon sa World Health Organization.

 

 

“The congested living conditions in India especially in their major cities are just so predisposed to covid escalation,” ani Leachon. (Gene Adsuara)

Other News
  • 82% ng Pinoy tiwalang ‘kapanipaniwala’ 2022 elections — Pulse Asia

    NANINIWALA ang karamihan ng mga Pilipinong “tumpak” at “kapani-paniwala” ang naging resulta ng katatapos lang na May 2022 national elections, paglalahad ng Pulse Asia Research sa panibago nilang pag-aaral.     Ito ang lumalabas sa kanilang Ulat ng Bayan survey na ikinasa mula ika-24 hanggang ika-27 ng Hunyo, bagay na inilabas sa media ngayong Lunes. […]

  • Pinas, handa na sa pagtanggap ng mga fully vaxxed foreign tourists-DOT

    HANDA na ang Pilipinas na tumanggap ng mga fully vaccinated international travelers simula sa Pebrero 10, 2022.     Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na naghahanda na ang sektor para sa kaganapang ito simula nang isara ang mga borders noong 2020.     Dalawang taon sa pandemya, sinabi ni Puyat na karamihan sa mga […]

  • OCCUPANCY RATE SA MGA OSPITAL AT QUARANTINE FACILITIES SA MAYNILA, BUMABABA

    BUMABA ang “occupancy rate” sa quarantine facilities at mga district hospital na pinapatakbo ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila matapos na buksan sa publiko ang Manila COVID-19 Field Hospital sa Rizal Park .     Batay sa pinakahuling datos ng Manila Health Department (MHD), nasa 24% na lamang ang occupancy rate sa anim na […]