• April 24, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MECQ sa NCR ‘di ipinapayo ng OCTA na luwagan

Binalaan ng mga eksperto mula sa OCTA Research Group ang pamahalaan sa pagluwag pa lalo ng COVID-19 restrictions sa National Capital Region (NCR) kahit pa bahagyang bumagal na ang pagkalat ng sakit.

 

 

Sinabi ni OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco na dapat tumagal muna ng ilang linggo na mababa sa 1 ang reproduction number.

 

Nabatid na kapag nasa 1 o mas mataas pa ang reproduction number ay nangangahulugan lamang na mayroong sustained transmission ng virus.

 

 

Sa ngayon, nasa 0.99 ang reproduction number sa NCR.

 

 

Iginiit ni Austriatico na sa ngayon unstable pa ang sitwasyon sa NCR dahil hindi lahat ng mga local government units ay bumababa ang reproduction number.

 

 

Dahil dito, mayroon aniyang posibilidad na ilan sa mga LGUs sa NCR ay magkaroon ng outbreak, na maari ring mag-spill over sa mga karatig na mga lugar.

 

 

Hindi aniya nangangahulugan na bumaba na ang reproduction number ay magiging okay na ang sitwasyon dahil kailangan muna na ma-sustain ito pati na rin ang pagluwag ng mga ospital, na sa ngayon ay punuan pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • ValTrace magagamit na rin sa Mandaluyong

    Magagamit na rin sa lungsod ng Mandaluyong ang ValTrace contact tracing QR codes ng Valenzuela City na naglalayong matukoy ang mga indibiduwal na posibleng positibo sa virus ng COVID-19 kung saan nauna na rin itong konektado sa Pasig at Antipolo.     Nabatid na nakapirma na sa Contact Tracing Network Consortium Agreement ang ValTrace ng […]

  • Pinas, malapit na sa rice self-sufficiency sa loob ng 2 taon kung ikakasa ang ‘major reorganization’- PBBM

    NANINIWALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na malapit na ang bansa sa rice self-sufficiency sa loob ng dalawang taon kung ipatutupad ng gobyerno ang  “major reorganization” sa ahensiya nito.     Ang pahayag na ito ng Pangulo ay kasunod ng pakikipagpulong sa mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at  National Irrigation Administration (NIA) sa […]

  • LTO CHIEF, nag-utos ng muling pagsasanay sa mga LTO enforcers dahil sa nag-viral na insidente sa Bohol

    AGAD inatasan ni Assistant Secretary at Land Transportation Office (LTO) Chief, Atty. Vigor D. Mendoza II ang pagsasagawa ng refresher courses para sa lahat ng enforcers ng ahensya sa buong bansa matapos ang viral na insidente sa Panglao, Bohol.   “Ang insidenteng naganap sa Bohol ay nangangailangan ng mas malalim at sistematikong hakbang upang matiyak na […]