• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Medical Assistance for Indigent and Financially-Incapacitated Patients (MAIP) umakyat sa ₱58 billion ngayong 2024

TUMAAS ng 78% o P58 bilyon ang Medical Assistance for Indigent and Financially-Incapacitated Patients (MAIP) ngayong taon ng 2024.

 

 

Ang MAIP ay isang national initiative na naglalayong magbigay ng tulong pinansiyal para sa mga  underprivileged patient.

 

 

Matatandaan na umabot lamang sa ₱32.6 billion budgetary provision sa 2023 General Appropriations Act (GAA).

 

 

Ang pagtulong ay mas mataas kaysa sa 2024 General Appropriations Bill level na P22.264 billion.

 

 

“Among the many things that the pandemic underscored the past few years, not just in the Philippines but all over the world, is our need for equity-focused health care. Historically, health discrepancies endure among marginalized groups, which is why our government is doing its best to give every Filipino, especially the most vulnerable, access to fair and quality medical care,” ang ibinahagi ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Mina F. Pangandaman.

 

 

Ang MAIP ay ginagamit para sa pagpapa-ospital at medical support ng indigent at financially incapacitated patients kabilang na ang “in-patient, out-patient, comprehensive check-ups at emergency services” at maging ang droga, medisina at professional fees. Maliban sa mga indigent individuals, iyong mga ipinakita ang kanilang walang kakayahan na magbayad o gumastos sa mga kiinakailangang gastusin  para sa kanilang medical treatment ay makatatanggap ng medical assistance.

 

 

Sa ilalim ng Bagong Pilipinas, masigasig si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para i-improve ang pangkalahatang healthcare system ng bansa at gawing mas accessible ang tulong medical sa mga Filipino, kapwa ay instrumental para makamit ang socio-economic goal ng kasalukuyang administrasyon.

 

 

Sakop ng programa ang DOH Hospitals, Specialty Hospitals, State Universities and Colleges (SUC), Local Government Units (LGUs) at iba pang health facilities, kapuwa pribado at pampubliko.

 

 

“Subject to the guidelines issued by the DOH. For accountability and research purposes, the Department of Health (DOH) posts on its website the name of recipient hospitals and the age, gender, city, municipality, and the disease of indigent and financially incapacitated beneficiaries,” ayon sa ulat. (Daris Jose)

Other News
  • PANUKALANG BATAS PARA sa NO-CONTACT TRAFFIC APPREHENSION, INIHAIN NA!

    Inihain na ni Sr. Deputy Speaker, Hon. Doy C. Leachon, ang HB9368 na may titulong “An Act Regulating the No-Contact Apprehension Policy in the Implementation of Traffic Laws, Ordinances, Rules and Regulations”   Kinikilala nito ang kahalagahan ng no-contact apprehension sa pagdi-disiplina ng mga drivers para sa kaayusan ng daloy ng trapiko, habang binibigyan din […]

  • PDu30, muling nanawagan sa publiko na huwag iboto ang mga old-timers sa Senado

    MULING nanawagan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga botante na alisin na ang mga  old-timers sa Senado na wala namang ginawa habang nanunungkulan.     “Marami diyan sa senado, matagal na, wala na namang ginagawa. From time to time, kunwari may issue magsalita. ‘Yan ang ayaw ko diyan sa mga senador ngayon. Hindi lahat, […]

  • Send-off sa Olympic-bound athletes ‘di tuloy

    Posibleng walang sendoff ceremony na mangyari sa Malacañang para sa mga national a­thletes na lalahok sa Olympic Games sa Tokyo, Japan.     Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez na inaasahan niyang magiging mahigpit ang Palasyo sa mga bibisita kay Pangulong Rodrigo Duterte.     “I don’t want to p­reempt the […]