Medical insurance rule para sa mga college students sa face-to-face classes tinanggal na ng IATF
- Published on June 1, 2022
- by @peoplesbalita
INALIS ng COVID-19 task force ng bansa ang medical insurance requirement para sa mga estudyanteng pumapasok sa limited face-to-face classes.
Pinayagan ng gobyerno sa unang bahagi ng taong ito ang mga kolehiyo at unibersidad sa ilalim ng COVID-19 Alert Level 1 na magsagawa ng face-to-face classes sa buong kapasidad, ngunit ang mga pumapasok sa physical classes ay naka-enroll sa PhilHealth o anumang insurance provider.
Ayon kay Deputy Palace spokesperson Kris Ablan, base sa rekomendasyon ng Commission on Higher Education, Seksyon 4, ang item H ng joint memorandum circular ng CHED-DOH na nauukol sa medical insurance para sa mga estudyante ay pinawawalang-bisa.
Walang agad na makukuhang mga detalye kung bakit inirekomenda ito ng CHED noong una.
Ngunit nauna nang pinuna ng National Union of Students of the Philippines ang medical insurance requirement, at sinabing hindi lahat ng estudyante ay kayang bumili ng health insurance.
Hinimok nila ang gobyerno na pondohan ito sa halip.
-
Magaling na sa naging injury sa shooting: Sen. BONG, balik-aksyon na sa kanyang sitcom sa GMA
BALIK-AKSYON na naman muli si Sen. Bong Revilla. Kumbaga pagkatapos ng nangyaring injury sa kanya sa shooting ng supposed to be entry niya sa 50th Metro Manila Film Festival na “Alyas Pogi” ay kayang-kaya na niyang mag-aksyon muli. Ayon pa kay katotong Gorgy Rula ay nakatakdang magsimula ang season 3 ng […]
-
P3.8 bilyong pondo para sa free WiFi program expansion, ikinagalak
IKINATUWA ni Senate Majority Floor Leader Francis “Tol” Tolentino ang anunsyo ng Department of Budget Management (DBM) na pagpapalabas ng P3.8 bilyong pondo para sa pagpapatupad ng programa ng pamahalaan na “free nationwide Wi-Fi”. Agad hinimok ni Tolentino ang Department of Information and Communications Technology (DICT), ang implementing agency ng ‘Free […]
-
Pagdanganan kumita ng P200K sa Arkansas golf
NAPARTIHAN ng $4,329 (P200K) si Bianca Pagdanganan kahit nanlamig sa final round sa one-over par 72 pa-three-day aggregate 210 at mapabilang sa six-way tie para sa 61st slot sa wakas nitong Lunes (Manila time) ng Walmart NW Arkansas Championship sa Pinnacle Country Club sa Arkansas. Pumalo sa first two rounds ng 70 at 68, naiwanan […]