Pagdanganan kumita ng P200K sa Arkansas golf
- Published on September 2, 2020
- by @peoplesbalita
NAPARTIHAN ng $4,329 (P200K) si Bianca Pagdanganan kahit nanlamig sa final round sa one-over par 72 pa-three-day aggregate 210 at mapabilang sa six-way tie para sa 61st slot sa wakas nitong Lunes (Manila time) ng Walmart NW Arkansas Championship sa Pinnacle Country Club sa Arkansas.
Pumalo sa first two rounds ng 70 at 68, naiwanan ang Pinay rookie pro ng 17 strokes kay champion Austin Ernst ng USA (63-193) na nagsubi ng $345K ($16.8M) top prize sa torneong nilahukan ng 156 golfers.
May agwat na dalawang tira si Ernst kay Anna Nordqvist ng Sweden (69-195), samantalang dalawang Amerikana pa ang nagsalo sa ikatlo’t-ikaapat na posisyon na sina Angela Stanford (65-197) at Nelly Korda (67-197) sa yugtong ito ng Ladies Professional Golf Association (LPGA).
Pero laglag balikat ang dalawang pambato pa ng Pilipinas na sina Dottie Ardina at Fil-Am Clariss Guce na mga na-cut sa second round. Lumanding sa 18 magkakatabla sa ika-98 puwesto si Guce, habang si Ardina ay nasa apat na magkakatabla sa ika-135 na posisyon. (REC)
-
Hangang-hanga kaya nagpa-picture sa photo nito sa Norway: BELA, tila may pa-tribute sa Nobel Peace Prize awardee na si MARIA RESSA
TILA binigyan ng tribute ng aktres na si Bela Padilla ang controversial pero Nobel Peace Prize awardee na si Maria Ressa. Nasa Norway si Bela ngayon kunsaan, mag-iisang taon na siyang naninirahan sa Europe. Pero nitong Philippine Independence Day, isa si Bela sa nag-perform para sa mga Pinoy sa Norway. […]
-
Abueva, nagpakitang gilas sa muling pagbabalik sa Phoenix, nilampaso ang NLEX 114-110
BUMIDA si Calvin Abueva sa panalo ng Phoenix laban sa NLEX 114-110. Nagtala ito ng 21 points, 13 rebounds at pitong assists para maitala ng Fuel Masters ang ikaapat na panalo sa anim na laro sa PBA Philippine Cup na ginaganap sa Angeles University Foundation gym. Sinabi nito na pinaghandaan niya ang nasabing […]
-
Number coding ng PUVs suspedido
SINUSPINDE ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng number coding scheme sa mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila upang masiguro ang dami ng sasakyan sa pagbubukas ng klase. “We have agreed to suspend the number coding scheme for public transportation for the school year to pave the way for the […]