• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MEDICO LEGAL: DACERA’S DEATH ‘NATURAL’

Ruptured aortic aneurysm, na isang medical condition, ang ikinamatay ng flight attendant na si Christine Dacera, batay sa resulta ng autopsy nito ayon sa findings ng Philippine National Police  Crime Laboratory na inilabas Miyerkoles, Jan 27.

 

Ayon sa report, hindi magreresulta sa aortic aneurysm ang rape o drug overdose.

 

Sa isa pang report, sinabi ring asin pala ang puting powdered substance na nakuha sa kuwarto. Unang inakala na droga ito.

 

Posible rin daw na may undiagnosed hypertension ang flight attendant dahil 500 grams ang bigat ng puso nito, malaki kumpara sa normal na sukat na 300 grams.

 

“Manner of death as homicide is ruled out in Dacera’s case because the aortic aneurysm is considered a medical condition. Rape and/or drug overdose will not result to the development of aneurysms,” ayon sa report.

 

Dagdag pa, “Even overdose and ruptured aneurysm are two different conditions and cannot be both included as cause of death of patient.”

 

Isinumite ng PNP ang report sa Makati prosecutor Miyerkoles ng hapon  na humahawak ng kaso na nagsasabi diumano na  rape with homicide ang ikinamatay ni Christine noong January 1, 2021 sa isang kuwarto sa City Garden Hotel sa Makati, kasama ang mga kaibigan.

 

Ayon pa sa medico legal report, “the dilation or aneurysm” in Dacera’s aorta was a “chronic condition” that “started long time ago or maybe years prior to her death.”

 

“No alcohol or recreational taken the night prior to her death will cause that kind of dilation or defect on her aorta,” ayon pa sa report. (Daris Jose)

Other News
  • Giit ng DBM: Walang iregularidad sa ₱588.1B unprogrammed appropriations sa 2023 budget

    IGINIIT ng  Department of Budget and Management (DBM) na walang iregularidad sa ₱588.1 billion unprogrammed appropriations sa ilalim ng panukalang  ₱5.268-trillion budget para sa taong  2023  sa gitna ng pagkabahala ng mga mambabatas.     “Details of these unprogrammed appropriations (UA) are available for public and Congress scrutiny,”  ayon sa DBM.     Nauna rito, sinabi […]

  • KIM at JERALD, manggugulat sa kakaiba at daring roles sa bagong pelikula; hataw pa rin kahit nasa gitna ng pandemya

    KAHIT may pandemya, hindi talaga mapipigilan ang paghataw ng #KimJe, dahil ang real-life couple na si Kim Molina at Jerald Napoles ay muling magtatambal sa kanilang pangalawang pelikula ngayong taon, ang Ikaw At Ako At Ang Ending na hatid ng Viva Films.     Mula sa kanilang unang successful na team up sa pelikulang Ang […]

  • Dagdag na bus at bus stops sa EDSA busway, balak ng DOTr

    PLANO  ng Department of Transportation (DOTr) na makapagdagdag pa ng mas maraming bus at makapagbukas ng mas marami pang bus stops para sa EDSA Busway.     Bunsod na rin anila ito nang nakatakda nang pagbubukas ng klase sa Lunes, Agosto 22, at pagbabalik na rin ng face-to-face classes sa bansa.     Ayon kay […]