• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Medvedev, kinoronahang hari ng ATP nang magwagi vs Thiem

Nadagit ni Russian tennis star Daniil Medvedev ang kampeonato sa ATP Finals sa London matapos na talunin nito si Dominic Thiem.

 

Bagama’t nabigo sa isang set, hindi nagpatinag si Medvedev at pinahiya si Thiem sa iskor na 4-6, 7-6 (7/2), 6-4 para makuha ang pinakamalaking tagumpay sa kanyang career.

 

Umabot sa dalawang oras at 42 minuto ang bakbakan ng dalawa sa loob ng bakanteng O2 Arena kung saan naging maganda ang paluan sa laro ngunit sa huli ay nanaig ang Russian fourth seed.

 

Dahil dito, inilista rin ng 24-anyos na si Medvedev ang panalo sa ika-10 sunod na laro kasunod ng kanyang titulo sa Paris Masters.

 

Habang kay Thiem naman, masaklap na pagkatalo ito lalo pa’t nabigo rin itong magwagi sa kaparehong torneyo noong nakaraang taon sa kamay ni Stefanos Tsitsipas.

Other News
  • 12 nanalong senador naiproklama na

    IPRINOKLAMA na ng Commission on Elections na umuupo bilang National Board of Canvassers nitong Miyerkules, Mayo 18, ang 12 senador na nanalo sa nakalipas na May 9, 2022 National at Local Elections.     Alinsunod sa NBOC Resolution No. 002-22, iprinoklama na sina ­Senators-elect Robin Padilla, Loren Legarda, Raffy Tulfo, Sherwin Gat­chalian, Francis ‘Chiz’ Escudero, […]

  • Biden ipinagmalaki ang pagkapatay ng US forces sa lider ng Islamic State sa Syria

    IPINAGMALAKI ni US President Joe Biden na napatay ng mga sundalo ng America ang lider ng Islamic State sa Syria.     Kinumpirma ng isang senior US administration official ang pagkasawi ni Abu Ibrahim al-Hashemi al-Quraishi sa isang operation.     Umabot rin sa 13 mga katao ang nadamay sa operation na kinabibilangan ng mga […]

  • Yayariin ko kayo! – Duterte

    Nagbanta na si Pa­ngulong Rodrigo Duterte na “yayariin” niya ang mga korap sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).   Nagbanta na si Pa­ngulong Rodrigo Duterte na “yayariin” niya ang mga korap sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).   “Huwag kayong magkakamali. Itong PhilHealth, sabi ko: Yayariin ko kayo. Maniwala kayo,” pahayag ni Duterte sa isang […]