• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Megawide gustong mag-operate ng EDSA busway

ANG infrastructure giant na Megawide Construction Corp. ay naghayag ng kanilang interes na sila ang mag-operate ng EDSA busway kung sakaling ibigay ng pamahalaan ang pamamahala nito sa pribadong sektor.

 

 

Ipinagmamalaki ng Megawide na sila ay may kakayahan sa route management at station development ng nasabing transportasyon.

 

 

“We would vie for the right to operate and maintain EDSA Busway once it is turned over to the private sector. The government has been talking about it, that it will privatize the EDSA Busway operations. If it is a serious in that, then maybe we can consider,” wika ni PITX corporate head affairs Jason Salvador.

 

 

Ang Megawide ay ang namamahala sa operasyon ng Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) kung kaya’t kanilang sinabi na may expertise na sila sa ganitong sektor.

 

 

Ayon kay Salvador, ang Megawide ay may plano rin na magbigay ng unsolicited proposal upang magtayo ng integrated terminal exchange sa Caloocan City upang magkaroon ng EDSA bus stop mula Monumento papuntang PITX.

 

 

Kung matutuloy ang pagtatayo ng integrated bus terminal sa Caloocan, ang Megawide ang nasa posisyon na mag- operate ng EDSA busway upang magkaroon ng control ang deployment ng mga buses na makakatulong sa mga pasahero.

 

 

“Ideally, it should be the EDSA busway who should have control in dispatching. However, right now, the reason there is a bit of congestion is because it is in the mercy of operators. Of course, these bus operators have their own schemes. Some of them may opt not to go to your place to ply a route of line,” saad ni Salvador.

 

 

Dagdag pa niya nawalang control ang EDSA busway subalit kung ito ay patatakbuhin ng Megawide ito ay kaya nilang  gawin. Kung kaya’t ang mgapasahero ay magkakaroon ng realibility ng schedule at availability ng mga buses sa lahat ng oras lalo na at kung peak hours.

 

 

Sa kabilang dako naman, may plano rin ang Megawide na simulan ang P5 billion na development ng second lot ng PITX. Sa ngayon, ang PITX ay may 2.7 hectares kung saan naroon ang transport terminal, commercial spaces at office building. Inaasahang magkakaroon ng expansion ng 1.8 hectares upang doon ilagay ang isa pang staging area para sa mga buses.

 

 

Ang PITX ay kayang makapag- accommodate ng hanggang 200,000 na pasahero kada araw at kayang makapag- deploy ng mga buses mula at papunta sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa. LASACMAR

Other News
  • PSA website nakaranas ng glitches sa National ID registration

    Nakaranas ng “technical difficulties” ang website ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa unang araw ng online registration para sa National ID.     Sa isang advisory, sinabi ng ahensya na sinisikap ng kanilang team na resolbahin ang issue na ito sa lalong madaling panahon.     Kasabay nito ay humihingi ng paumanhin ang ahensya sa […]

  • PBBM pinatitigil ang umano’y bayaran sa pangangalap ng pirma para sa Cha Cha

    PINATITIGIL ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang umano’y bayaran sa pangangalap ng pirma para sa Peoples Initiative na layong amyendahan ang 1987 Constitution.     Sa panayam kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr kanyang inihayag na sakaling mayroong ganoong isyu na bayaran hindi ito tatanggapin ng Commission on Election.     Gayunpaman sinabi ng Pangulo na […]

  • Kaya ilang araw ng wala sa ‘Eat Bulaga’… PAOLO, nagsu-shooting sa Australia kasama sina JIMMY, KAYE at PATRICK

    NAGTATANONG na ang mga netizens na nanonood daily ng “Eat Bulaga” ng TAPE, Inc, bakit daw ilang araw nang hindi napapanood sa noontime show si Paulo Contis?      Salamat sa post ng Sparkle Artist Center na kasama ni Paolo si Jimmy Santos, na dating Dabarkads ng “Eat Bulaga,”     Caption ng photo ay, […]