Megawide may mungkahi sa DOTr na magtatayo ng terminal exchange sa Norte
- Published on March 11, 2023
- by @peoplesbalita
BINIGYAN ng suporta ng Department of Transportation (DOTr) ang mungkahi ng Megawide Construction Corp. na magtayo ng isang terminal exchange facility sa parting norte ng Metro Manila.
Ayon sa isang panayam kay DOTr undersecretary Mark Steven Pastor na wala pa naman silang natatangap na pormal na detalyeng mungkahi mula sa Megawide na magtatayo sila ng isang bus loop sa EDSA sa pamamagitan ng pagkakaron ng katulad ng Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
“We support the idea of building an ITX in Monumento to serve as a staging area for provincial buses coming from Northern part of Luzon. It is an absolute necessity for the government so we can sort of follow the mechanism here in the south. We will allow provincial buses to use the terminal,” wika ni Pastor.
Dagdag niya na sa ibang bansa ay talagang mayron silang mga terminal hub upang bigyan solusyon ang problema sa congestion at ng magkaron ng transport connectivity.
Sinabi rin ni Pastor na maaaring mag align ang DOTr ng mga ruta ng provincial buses na palabas at papunta sa Metro Manila upang malimitahan ang dami ng mga sasakyan na dadaan sa EDSA.
“For instance, provincial buses in Cubao can be transferred to the ITX without causing commuters any hassle with the availability of transport options to and from Monumento,” saad ni Pastor.
Kahit na suportado nila ang mungkahi ay kanila pa rin na pag-aaralan ito upang sumailalim sa isang standard na proseso bago ito ay aprobahan.
Ang Megawide ay kalahok sa bidding na gagawin para sa operasyon at pangangalaga ng EDSA Busway kung saan nila sinasabing may kapasidad sila sa route management at station development. Ang plano ng Megawide ay maghain ng isang unsolicited proposal sa pagtatayo ng ITX sa Monumento.
Sila rin ang infrastructure builder ng PITX at Mactan-Cebu International Airport. Gusto nilang magtayo ng bus loop sa EDSA na tatakbo mula sa PITX papuntang Monumento na katulad ng existing route ng EDSA carousel buses. Dahil dito makakaasa ang mga pasahero ng availability at punctuality ng mga buses.
Gusto rin ng Megawide na palawakin ang PITX ng hanggang 1.8 hectares upang magkaron ng isan pang staging area ng mga buses na nagkakahalaga ng P5 billion.
Sa ngayon, ang North Luzon Express Terminal ay siyang northern counterpart ng PITX na may kakayanan na magsakay ng 96,000 na pasahero kada araw. LASACMAR
-
‘Nutribun’ feeding program, palalakasin
NAIS ni Senador Imee Marcos na palakasin ang ‘Nutribun Feeding Program’ sa harap ng mga programang pang-nutrisyon ng gobyerno na umano’y kulang sa sustansya. Sinabi ito ni Marcos kasabay ng pagdiriwang nitong nakaraang linggo ng ika-105 kaarawan ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na nagsimula ng Nutribun Feeding program […]
-
34M SIM, naka-rehistro na sa telcos-DICT
TINATAYANG umabot na sa 34 milyong SIM sa buong bansa ang nakarehistro na ngayon sa kani-kanilang public telecommunications entities (PTEs). Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT), Undersecretary Anna Mae Yu Lamentillo, may kabuuang 34,483,563 SIM na ang nakarehistro “as of February 19”, sinasabing 20% lamang ito ng 168,977,773 SIM sa […]
-
Riot napigilan, 2 teenagers tiklo sa Molotov bomb sa Malabon
NAGAWANG mapigilan ng mga awtoridad ang magaganap sanang riot ng grupo ng mga teenager dahil sa mabilis na pagresponde ng mga ito na nagresulta sa dalawang 18-anyos na lalaki sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Mark Jordan Blas […]