• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MEKANIKO HULI SA BARIL AT SHABU SA VALENZUELA

KALABOSO isang mekaniko matapos makuhanan ng baril at shabu makaraang tangkain takasan ang mga pulis na nagsasagawa ng Comelec checkpoint nang parahin dahil walang suot na helmet habang sakay ng isang motorsiklo sa Valenzuela City, Martes ng umaga.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, ang naarestong suspek na si Eduard Santos alyas “Tata”, 41 ng 59 F Pio Valenzuela St., Brgy., Marulas.

 

 

Batay sa imbestigasyon ni PCpl Glenn De Chavez, dakong alas-11:50 ng umaga, nagsasagawa ng COMELEC checkpoint sa kahabaan ng R. Valenzuela St., harap ng Valenzuela National High School, Brgy., Marulas ang mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 3 sa pamumuno ni SS3 commander P/Major Tessie Lleva nang parahin nila ang suspek dahil walang suot na helmet habang nagmamaneho ng motorsiklo.

 

 

Sa halip na makinig, pinaharurot ng suspek ang kanyang minamanehong motorsiklo na naging dahilan upang habulin siya nina PCpl Reymon Evangelista at PCpl Peter Harold Datiles hanggang sa makorner kaya inaresto siya dahil sa paglabag sa Art 151 of RPC.

 

 

Sa isinagawang verification, nadiskubre ng pulisya na wala ring driver’s license ang suspek maging ang certificate of registration at official receipt ng minamaneho nitong motorsiklo.

 

 

Narekober din sa suspek ang isang itim na sling bag na naglalaman ng dalawang transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na nasa P3,400 ang halaga, isang cal. 38 revolver na kardago ng apat na bala at cellphone.

 

 

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165, Art 151 of RPC (Resistance and Disobedience) RA 10054 (Motorcycle Helmet Law of 2009), Sec. 15 & 19 of RA 4136 (Failure to Carry OR/CR and Driver’s License) at RA 10591 in relation to COMELEC resolution No. 10728. (Richard Mesa)

Other News
  • Djokovic pasok na sa quarterfinals ng Australian Open

    PASOK na sa quarterfinals ng Australian Open 2025 si 10-time champion Novak Djokovic. Tinalo ng 37-anyos na Serbian tennis star si Jiri Lehecka ng Czech Republic sa score na 6-3, 6-4, 7-6 (7/4). Dahil dito ay makakaharap niya si Carlos Alcaraz. Target ni Djokovic na maitala ang pang-25 na Grand Slam title. Ito na rin […]

  • PBBM, hindi pa nagtatalaga ng BI commissioner

    KAAGAD na pinabulaanan ng Malakanyang na itinalaga ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. si Atty. Abrahan Espejo Jr.,  dating dean ng  College of Law ng New Era University, bilang  bagong  BI commissioner.    Giit ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, hanggang ngayon ay wala pa ring napipisil si Pangulong Marcos na maging bagong BI Commissioner.   “No […]

  • Oplan baklas, maagang ipinatupad sa Quezon City

    PUSPUSAN ang isinasagawang Oplan Baklas ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Quezon City upang mabawasan ang maling paglalagay ng mga election paraphernalia sa kanilang lugar. Sinuyod ng mga tauhan ng Department of Public Order and Safety at Traffic and Transport Management Department ang mga lugar sa CP Garcia, Katipunan Avenue, Xavierville, East Avenue, […]