Mekaniko kulong sa walang lisensyang baril sa Malabon
- Published on October 22, 2024
- by @peoplesbalita
LAGLAG sa selda ang isang mekaniko matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril nang salakayin ng pulisya ang kanyang bahay sa bisa ng search warrant sa Malabon City.
Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, nakatanggap ng impormasyon ang Police Sub-Station (SS7) na nag-iingat umano ng hindi lisensyadong baril si alyas Jobet, 40, kaya nag-apply sila ng search warrant sa korte.
Nang makakuha sila ng kopya ng search warrant na inisyu ni Malabon City Regional Trail Court Vice-Executive Judge Misael M. Ladaga para sa paglabag sa RA 10591 ay agad bumuo ng team si SS7 Commander P/Major Johnny Baltan, kasama si P/Capt. Joseph Alcazar saka sinalakay ang bahay ng suspek dakong alas-11:58 ng tanghali.
Sa isinagawang paghalughog ng mga tauhan ni Major Baltan sa loob ng bahay ng suspek sa Pantihan II Alley, Naval St., Brgy. Flores, nasamsam nila ang isang kalibre .38 revolver na may tatlong bala at isang sling bag.
Nang walang maipakita ang suspek na kaukulang papeles hinggil sa ligaledad ng naturang armas ay binitbit siya ng pulisya para sa sampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act. (Richard Mesa)
-
Pumasa sa audition sa ‘America’s Got Talent, ‘di tumuloy: GAB, tumatak at napansin ni BEYONCE sa viral video na ’Super Selfie’
SA mga nakalipas na taon, gumawa ng pangalan si Gabriel “Gab” Valenciano para sa kanyang sarili sa labas ng kanyang sikat na angkan. Maliban sa pagiging pangalawang anak ng OPM icon na si Gary Valenciano, marami ang nakakakilala sa kanya bilang isang “creative dynamo” na napansin ng American superstar na si Beyoncé […]
-
PBA governors’ cup dedesisyunan sa susunod na linggo
MALALAMAN sa susunod na linggo ang desisyon ng PBA Board para sa natenggang 2021-2022 Governors’ Cup sa gitna ng paglobo ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa dahil sa Omicron variant. Nagpasya ang PBA Board na suspindehin ang mga laro ng nasabing import-reinforced conference nang sumirit ang mga COVID-19 cases sa […]
-
Mayor Tiangco, sinagot ang isinampang katiwalian sa kanya sa Ombudsman
Sinagot ni Navotas Mayor Toby Tiangco ang inihain na affidavit sa Ombudsman tungkol umano sa mga katiwalian na ginawa niya habang abala ang pamahalaang lungsod sa paghahanda sa mass vaccination laban sa COVID-19. “Ayoko na po sanang bigyan pa ito ng panahon ngunit nadadamay po ang dangal ng ating pamahalaang lungsod kaya minabuti […]