“Melor Robbery Gang”, nalansag ng Valenzuela police
- Published on November 21, 2024
- by @peoplesbalita
NALANSAG ng mga awtoridad ang isang ‘Criminal Gang’ na responsable umano sa mga pagnanakaw sa iba-ibang lugar sa Valenzuela City matapos ang pagkakaaresto sa pinuno at mga miyembro nito.
Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, alas-3:15 ng madaling araw nang maaresto ng kanyang mga tauhan ang lider ng “Melor Criminal Gang” na si alyas “Melor”, 32, call center agent, sa harap ng Fiesta Mall Compound, Brgy. Maraouy, Lipa City Batangas.
Ang akusado ay binitbit ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Valenzuela police sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Nancy Rivas Palmones ng Regional Trial Court Branch 172, Valenzuela City noong June 14, 2013, para sa kasong Robbery na walang piyansang inirekomenda ang korte.
Kasunod nito, nadakip din ang isang miyembro ng grupo na si alyas “Malaga”, sa Bagong Filipino Compound, Brgy., Canumay West sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng RTC Branch 12 ng Malolos Bulacan para sa kasong Robbery noong Hunyo 6, 2024, na may inirekomendang piyansang P100.000.
Ayon kay Col. Cayaban, nauna nang nahuli ang tatlong miyembro ng grupo noong nakaraang September at October 2024 na sina alyas “Apit”, alyas “Balog”, at alyas “Atoy”, na pawang may mga kasong ‘theft’.
Sa imbestigasyon, ang naturang grupo umano ang nambibiktima sa iba’t ibang lugar kabilang ang Malolos, Bulacan, Quezon City, at Valenzuela.
Ang naturang grupo din ang itinuturong mga suspek sa panloloob at nakawan sa isang remittance establishment sa Brgy. Canumay West at sa ‘robbery/ snatching incident’ noong nakaraang Oktubre 14, 2024 sa Fortune 5, Brgy. Paso De Blas.
Ani PMAJ Randy Llanderal, hepe ng SIS, modus ng grupo na i-surveillance muna ang target na establisyimento o bahay bago isagawa ang pagnanakaw habang pinaghahanap pa ang isa pang natitirang miyembro nito na si alyas “Adan” na wanted din sa kasong robbery.
“Hindi po kami titigil sa paghahanap sa mga taong nagtatago sa batas kahit saan pa kayo magtago. Ang Valenzuela police ay seryoso sa pagtugis sa mga kriminal na patuloy pang gumagawa ng mga krimen,” pahayag ni Col. Cayaban. (Richard Mesa)
-
Sixers, pinutol ang 7-game winning streak ng Clippers
Nagbuhos si Joel Embiid ng 36 points at 14 rebounds para tulungan ang Philadelphia 76ers na pahiyain ang Los Angeles Clippers, 106-103. Nagawang putulin ng 76ers ang pitong sunod-sunod na panalo ng Clippers para magpantay na sila sa tig-39 na panalo ngayong season. Nabaliwala rin naman ang ginawang kayod nina Paul […]
-
Mayo 3 deklaradong holiday dahil sa pagtatapos Eid’l Fitr
IDINEKLARA ng Malacañang bilang national holiday ang Mayo 3, 2022 bilang obserbasyon ng pagtatapos ng Eid’l Fitr. Kinumpirma ito ni Executive Secretary Salvador Medialdea matapos na magkaroon ng bahagyang kalituhan. Unang inanunsiyo kasi ng Grand Mufti of the Bangsamoro Darul Ifta na magsisimula sa Mayo 2 ang Eid’l Fitr. […]
-
Matapos na isilang ang anak nila ni Dennis: JENNYLYN, agaw-eksena ang na-maintain na kaseksihan
AGAW-EKSENA ang kaseksihan ni Ultimate Star Jennylyn Mercado sa media conference ng comeback series niyang ‘Love. Die. Repeat.’ Kapansin-pansin na na-maintain ni Jen ang kanyang figure matapos isilang ang kanyang pangalawang anak na si Dylan Jayde noong April 25, 202, na unang anak nila ng asawang si Dennis Trillo. Ito ang unang beses […]