• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Men’s Football team ng bansa tiwalang magtatagumpay sa kanilang pagsabak sa Mitsubishi Electric Cup

TIWALA ang Philippine Football Federation (PFF) na magiging matagumpay ang men’s football team ng nating bansa ilang araw bago ang pagsisimula ng Mitsubishi Electric Cup.

 

 

 

Sinabi ni Philippine Football Federation (PFF) director for national teams Freddy Gonzales, na matapos ang paglabas ng pangalan ng 26 line-up para torneo ay agad silang nagsimulang mag-ensayo.

 

 

Aminado ito na hindi man sila ang nasa unang pinagpilian ay nasala naman ang mga ito base sa kanilang mga performance sa kani-kanilang club.

 

 

Magugunitang nababahala si Gonzalesa dahil sa hirap silang maipaalam sa kani-kanilang mga mothers club ang mga pangunahing manlalaro ng koponan.

 

Unang makakaharap kasi nila ay ang Myanmar sa Disyembre 12 na gaganapin sa Rizal Memorial Stadium habang sa Disyembre 18 naman ay makakalaban nila ang Vietnam sa parehas din na venue.

 

 

Bukod sa mga laro sa Pilipinas ay sasabak din ang mga ito sa La National Stadium sa Disyembre 15 na makakalaban ang bansang Laos habang sa Disyembre 21 ay ang bansang Indonesia.

Other News
  • SANYA, aminadong fan ni GABBY kaya kinikilig

    KINIKILIG na umamin si Kapuso actress Sanya Lopez, sa interview sa kanya ng GMANetwork.com, na hindi pa niya nami-meet nang personal ang magiging leading man niya sa upcoming romcom series nila na First Yaya.   Aminado rin si Sanya na certified fan siya ni Gabby Concepcion, kaya siya kinikilig, dahil hindi niya in-expect na darating […]

  • Prayoridad na protektahan ang kalusugan ng mga mamamayan sa gitna ng pandemya

    TINIYAK ng Malakanyang sa publiko na prayoridad ng pamahalaan na protektahan ang kalusugan ng mga mamamayan sa gitna ng COVID-19 pandemic.   Tugon ito ng Malakanyang sa Bloomberg Resilience findings kung saan ang bansa ay nasa ranking na “second to worst” sa pagtugon sa pandemya.   Sa ulat, ang Pilipinas ay nasa rank na 52 […]

  • Libreng sakay sa EDSA Bus Carousel, inihirit ng commuters na ibalik

    MULING  inihirit ng mga regular commuters na maibalik na ang libreng sakay ng EDSA Bus Carousel.   Ayon sa mga regular commuters, ramdam na nila sa ngayon ang epekto ng pagtatapos ng free rides sa carousel, lalo na ang malalayong biyahe.   Mahigit P100 kada araw umano ang kailangan nilang ilaan ngayon sa pamasahe, na […]