• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mental health, dapat na maging ‘global priority’-PBBM

“ANG kalusugang pangkaisipan ay nararapat na maging bahagi ng mga prayoridad na usaping pandaigdigan.”

 

 

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pakikiisa ng Pilipinas sa pagdiriwang ng World Mental Health Day.

 

 

Layon ng nasabing pagdiriwang ang itaas ang kamalayan sa usapin ng mental health.

 

 

“Ang kalusugang pangkaisipan ay nararapat na maging bahagi ng mga prayoridad na usaping pandaigdigan — kasama ng climate change, kahirapan at kapayapaan ,” ayon kay Pangulong  Marcos sa kanyang official Facebook page.

 

 

Sa pinagdaanan  aniyang krisis sa nakaraang dalawang taon, sinubok aniya nang labis ang tatag ng isipan ng bawat isa  kaya’t ang pagmamalasakit at kabutihan sa kapwa ay kinakailangan ngayon at higit kailanman.

 

 

“Maging maingat at suportahan natin ang isa’t isa,” wika pa ni Pangulong Marcos.

 

 

Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na  dahil sa sitwasyon ngayon na marami pa rin ang nagkakasakit at dinadapuan ng Covid-19, at bunga ng pandemya, marami ang nawalan ng trabaho o mapagkakakitaan, at marami ang nauwi sa depresyon ay  mahalaga talang mabigyang pansin at ma-educate  ang  bawat isa ukol sa kalusugang pangkaisipan.

 

 

Matatandaang sinabi ng National Institute of Mental Health, ang kahulugan ng mental illness ay “physical illness of the brain that causes disturbance in thinking, behavior, energy or emotion that make it difficult to cope with the ordinary demand of life.”

 

 

Marami ang hindi naipagagamot dahil sa stigma na nakaakibat o maling kaisipan na kapag may problema sa mental health ay iisipin agad na baliw, luko-luko, krungkrung at kung ano-ano pang katawagan. Kaya nga dapat talagang maging aware tayo kung kailan dapat humingi ng tulong at kung sino ang lalapitan.

 

 

Mali na may problema sa kaisipan at ang gagawin ay itatali o ikukulong dahil nahihiyang malaman ito ng iba.

 

 

Ayon sa mga espesyalista, kapag pinabayaan lamang, nangangahulugan ng mas malaking gastusin. Maliban pa sa hindi magiging produktibo sa paaralan o tanggapan man, nababawasan o nawawalan ng oportunidad at tumataas ang panganib ng suicide. (Daris Jose)

Other News
  • Nagseselos daw sa closeness ng dalawa: ZEPHANIE, masaya na makitang masaya sina MICHAEL at CASSY

    SA wakas ay umamin na si Althea Ablan na sila nga ni Prince Clemente.     Well, kahit naman hindi deretsahang umamin ang dalawa ay halata naman na may relasyon sila noon pa.     Anyways, mas nakumpirma dahil sa guesting ni Althea sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay umamin na nga ang dalaga na […]

  • THIA, tuluyan nang iniwan ang mundo ng pageantry at nag-concentrate na lang sa showbiz

    EXCITED na at masayang-masaya ang mga fans nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera, sa announcement ng GMA Network na ibabalik ang drama series na Endless Love, ang Korean drama adaptation ng Autumn in My Heart.          Unang ipinalabas sa GMA-7 ang Endless Love noong 2010 na dinirek nina […]

  • Philippine Sports Hall of Fame headquarters mabubuksan na

    NAKATAKDANG babasbasan at pasinayaan ang magiging bahay ng Philippine Sports Hall of Fame sa (PSHoF) darating na Hulyo o Agosto.   “We have decided to inaugurate on July, Philippine Sports Hall of Fame in PNB office at Rizal Memorial Sports Complex Malate, Manila. PNB will vacate the building on May 31,” pagbubunyag kahapon ni Philipine […]