• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Meron silang maiinit na mga eksena ni Polo: ROB, first time ma-encounter ang role na lover ng isang gay

NAGBABALIK ang Team Jolly nila Sofia Pablo and Allen Ansay sa bagong offering ng #SparkleU titled ‘#Ghosted.’

 

 

 

This time ay hindi kilig-kiligan ang AlFia loveteam dahil sa tema ng episode na tungkol sa isang multo na nakaapekto sa mental health ng isang student.

 

 

 

“Pinaghiwalay po kami ni Direk Barry (Gonzales) ng lugar sa taping para makapag-concentrate kami sa aming roles. Very different po kasi ito from the first time na nadirek kami ni Direk Barry na Luv Is: Caught In His Arms. Mas malalim po ito at mas seryoso,” sey ni Sofia.

 

 

 

Pinag-aralan daw ni Allen ang character niyang si Zac na isang student na nang-ghost sa dalawang naging girlfriends niya. Never pa raw kasi niyang na-experience iyon.

 

 

 

“Mahirap po sa akin kasi no experience ako na magkaroon ng two girlfriends na ginu-ghost ko. Kaya humingi ako ng tulong kay Direk Barry para maayos ang pag-arte ko po,” sey ni Allen.

 

 

 

Kasama rin sa ‘#Ghosted’ sina Princess Aliyah, Liana Mae, Marcos Masa at Rufa Mae Quinto as Ms. Agnes Gaspar, the ghost teacher na hinu-haunt ang Sparkle U library.

 

 

 

***

 

 

 

FIRST time na ma-encounter ni Rob Gomez ang role niya ng lover ng isang gay sa GMA-Regal teleserye na ‘Lovers/Liars’.

 

 

 

Si Polo Ravales ang gay lover niya at meron silang mga maiinit na eksena.

 

 

 

“It’s my first time to portray a role of someone na may gay lover. You get super nervous when it’s about to happen, but then after, it’s just like okay, so you let it go na. I think more of the preparation was being friends with him, really get to know him, how he thinks, how he works.

 

 

 

“Polo is a very cool guy, sporty, gyms a lot. I met his beautiful wife, and he has a beautiful kid, so it resonated with me,” sey ni Rob na ang ka-love triangle nila ay si Michelle Vito na ex-girlfriend niya kung kanino meron siyang anak na hindi niya alam.

 

 

 

***

 

 

 

AFTER 26 years, nauwi sa divorce ang pagsasama ng Will & Grace star Eric McCormack at ng wife niyang si Janet Holden.

 

 

 

Si Janet ang nag-file ng “dissolution of marriage” sa Superior Court of California citing “irreconcilable differences”. Hiling din nito ay spousal support and payment for her attorney fees.

 

 

 

Walang issue sa custody dahil 21-years old na ang anak nilang si Finnigan.

 

 

 

Na-meet ni Eric si Janet sa set ng Lonesome Dove: The Series in 1994. Kinasal sila noong 1997.

 

 

 

Wala pang official comment re sa divorce ang 60-year old Emmy winner.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Nagkaisa Labor Coalition, humiling sa DOLE na imbestigahan ang naganap na aksidente sa construction site sa QC

    PINAIIMBESTIGAHAN ng labor coalition na NAGKAISA sa Department of Labor and Employment ang naganap na insidente habang nasa lugar ng trabaho o worksite kabilang na ang pagkasawi ng isang manggagawa at ikinasugat ng 10 iba pa sa construction site sa Quezon City.     Ang panawagan ay ginawa ni Nagkaisa Chair Sonny Matula kasunod na […]

  • Pinas, handa na sa pagtanggap ng mga fully vaxxed foreign tourists-DOT

    HANDA na ang Pilipinas na tumanggap ng mga fully vaccinated international travelers simula sa Pebrero 10, 2022.     Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na naghahanda na ang sektor para sa kaganapang ito simula nang isara ang mga borders noong 2020.     Dalawang taon sa pandemya, sinabi ni Puyat na karamihan sa mga […]

  • Sec. Roque, ipagbibigay-alam sa DBM ang paubos na passport revolving fund

    IPAGBIBIGAY-ALAM ni Presidential spokesperson Harry Roque kay Budget Secretary Wendel Avisado ang ibinunyag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na ang passport revolving fund ng bansa ay paubos na.   “I will bring this matter up also to [Budget] Secretary [Wendel] Avisado,” ayon kay Sec. Roque.   Gayunpaman, tiwala naman si Sec. Roque kay […]